Eighteen

1276 Words

"HOY, Chubby Girl!" Nahinto sa ere ang pagsubo ni Lemuella ng saging na saba. Prente ang upo niya sa kitchen-s***h dining area ng condo. Nagkakape siya kapares ang nilagang saging saba. Galing sa kabilang unit ang saging. Mao-overripe na raw na hindi nakakain kaya binigyan siya ni Lenlen. Hindi daw nito mauubos lahat ng masisirang saging kahit pa maging crush na ito ng crush na si 'Sir Eduardo'. Tawa na naman sila nang tawa sa labas ng unit. Na-miss niya ang kaibigan. Napansin daw nito na parang wala siya sa kabila. Kababalik lang pala nito, nag-out of town daw. Walang ibang kasama kundi si Sir Crush at ang baby. Kinikilig na naman si Lenlen. Kuwentuhan daw sila sa linggo—pagkagaling nila sa simbahan. Hindi sinayang ni Lemuella ang saging saba. Nagsawa na rin siya sa tinapay kaya nilaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD