Author's Note: Ang story ni Lenlen at Sir Crush ay naka-post din na complete--Len's Love ang title. :) ANG pagsisisi, nasa huli talaga lagi. Nasa 'pagsisisi moment' si Lemuella. One week na. One week na wala naman kasi siyang napala kay Marrio. One week na silang nasa nire-rent daw nitong condo pero virgin pa rin siya! Ang bruho ang may napala sa kanya. Ginawa talaga siyang maid—tagaluto, tagalinis tagalaba at tagamasahe. Pinapa-laundry nito ang damit pero may ilang mga pang-itaas na gusto nitong kusot lang dahil nasisira daw. Labandera pa talaga siya ng bruho! Ang unfair lang. Ginagawa niya ang parte niya sa deal pero itong si Marrio ay deadma. Hindi alam ni Lemuella kung busy talaga o nagpapanggap lang na busy. Sa pitong araw na lumipas, three days na wala sa condo si Marrio. May ara

