NANANAGINIP ba ako? Ilang segundo pang nakiramdam si Lemuella bago siya dumilat. Naramdaman na niya ang init ng katawan kung saan lumapat ang likod niya. Gising na siya. Malinaw na hindi panaginip iyon! Mas sumiksik sa kanya ang katawang nasa likuran. Naamoy ni Lemuella ang pamilyar na scent ni Marrio. Napigilan niya ang pagsinghap. Nagbalik sa isip na nasa kama siya nito! Ano'ng oras na ba? Bakit umuwi na ang lokong ito? "M-Marrio?" si Lemuella. Hindi niya balak magpanggap na tulog. Lalong hindi siya mag-aala virgin na na-molestiya at hysterical na lalayo sa kama. Naroon siya para itapon ang virginity. Hinihintay nga niyang mag-do na sila para matapos na. Baka iyon na ang hinihintay niyang sandali. "Hmn?" ang narinig niya kay Marrio. Naramdaman niya ang paghinga nito sa may side ng k

