When I opened my eyes a wide and clean ceiling showed up. Agad din akong napapikit nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Naalala ko bigla ang ilang bote ng alak na nainom ko kagabi. May tiwala ako kay Noe kaya't kahit alam kong mabilis akong malasing, nag-inom pa rin ako kagabi. Alam ko naman na hindi niya ako pababayaan. Naalala ko bigla 'yung huli kong pag-i-inom. Wala akong maalala sa mga pinagsasabi at pinaggagawa ko kay Noe. Kaya nga inaway ko si Noe nang magising akong suot ko ang damit niya. Pero lahat ng nangyari kagabi, naaalala ko. I can remember everything that happened last night. Naalala ko lahat… I can still remember that kiss we shared last night under the stars. Isang halik na sa tingin ko ay hahanap-hanapin ko. Hindi ito ang unang beses na may labing dumantay sa la

