Everyone is grabbing and hugging me as if there is no tomorrow. Tulad noon, nararamdaman ko rin ang mga kuko nila sa balat ko. Ang mga kamay nila sa bawat parte ng katawan ko na hindi ko na magawang sawayin dahil hindi ko alam kung kaninong kamay ang mga 'yun. I tried to push them away, but my efforts failed. "Yeah! Cake Mendoza is in the house!" They are all jumping and enjoying my presence. Pinilit ko ang makawala sa kanila pero hinihila nila ako pabalik. "Hindi ka namin sasaktan, Cake." Dinig kong sabi ng isang lalaki na hinila ang kamay ko para pasayawin ako. Umiling ako sa kanya at nag panggap na hindi ako naapektuhan sa nangyayari. His breath has a strange smell of alcohol. Parang gusto kong masuka at itulak siya dahil don. Ngunit hindi ko mabilang ang ilang camera na nakatuto

