My tears fell on my cheeks again, which I quickly wiped. "Tama na, Cake…" bulong ko sa aking sarili. I've been crying the whole night and there's no one to hug or comfort me. It's already 4am in the morning, tumingala ako at bumungad sa'kin ang malungkot na langit. Walang mga bituin ang bumungad sa'kin dahil sa malalaking ulap na humaharang sa kanila. Bumaba ang tingin ko sa mainit kong kape bago ko ito hawakan. Pati ba naman ang langit, sumasabay sa lungkot ko. Niyakap ng mga palad ko ang mainit kong tasa. Malamig dito sa balkonahe, at tanging kape ko lang ang nagbibigay sa'kin ng init. Hindi ako makatulog. Wala pa rin akong tulog kaya maaga akong nag paalam kay Direk na hindi ako makakapasok ngayon. Maraming bumabagabag sa isip ko dahilan para hindi ako magawang dalawin ng antok. Tum

