"Yaya, pakilikom. Hindi ako kakain," aniko. Agad akong sinunod ni Manang at agad na inalis sa harapan ko ang pagkain na niluto ni Ate. Pagkatapos niyang ligpitin 'yon ay agad siyang lumabas ng kusina. Walang gana kong dinampot ang tasa ko at nilagay 'yun sa sink. Tinapunan ko siya ng tingin at bumungad sa'kin ang gwapo kong… Ilang beses akong kumurap at umiling. Ayoko siyang tingnan pero hindi ko maiwasan na ma-gwapuhan sa kanya. He's wearing his uniform and he's always damn good with it. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita kaya ganito na lang ang pagka-sabik ko sa kanya. "Cake, let's talk…" Hinawakan niya ang siko ko pero tinabig ko lang din ang kamay niya. Hanggang sa maramdaman ko ang mga braso niya sa aking tiyan at ang baba niya sa aking balikat. "Please…" Nakayakap niyang sabi

