AIRAM PAULEEN Isang buwan na ang nakalipas simula ng may mangyari sa akin, naging maayos ang pakikitungo sa akin ni William. Doon na ako natutulog sa silid niya pero wala pa ring nangyayari sa aming dalawa. Hindi niya naman ako kinukulit kaya keri lang. Araw ng sabado ngayon, wala siyang pasok sa opisina niya. Kakatapos ko lang mag linis ng bahay at nakaupo ako dito sa sala habang nag iis-scroll ako sa aking epbi. Napadaan ako sa isang post ng mga damit, tinignan ko ang paninda niyang at talagang magaganda ang mga ito. Parang naeengganyo akong subukan ang pag oonline selling, ang sabi ng iba ay malaki raw ang kita dito. Gusto ko siyang subukan para hindi na ako lumabas ng bahay para mag hanap ng trabaho. Nakita ko si William na pababa ng hagdan, napalunok pa ako dahil naka board short s

