AIRAM PAULEEN Wala naman nakitang blood clot sa aking CT-SCAN kaya binigyan na ako ng clearance ni doctor Jerome para makauwi. Hindi maalis ang ngito ko dahil nagkaroon ako ng 300 thousand real quick. Parang gusto ko pa yatang magpasabunot ulit sa iba pang babae ni William, para madagdagan pa ang pera ko. "Wifey, ready ka na ba? Dadaan muna tayo sa bahay nila Grandpa bago tayo umuwi sa bahay." Sabi sa akin ni William. Bakit parang kinakabahan ako sa pagiging mabait sa akin ni William, hindi kaya may pinaplanong masama ito sa akin? Bak naman pinapa dama niya lang ako, tapos aawayin niya na naman ako pag uwi namin sa bahay niya? Ah! Bahala na siya kung anong gagawin niya basta masaya ako dahil nagkapera ako dahil sa kanya. "Airam, you need to go back here next week, para tignan natin ang

