AIRAM PAULEEN "S-sir, ano pong sinabi niyo?" gulat kong sabi. Kadarating ko lang galing sa bukid, hindi ko naman akalain na sila ang mararatnan ko dito sa bahay namin. "Anak, kailan ka pa naging bingi?" narinig ko namang sabi ni nanay. "May mga dala nga po pala ako para sa inyo, ibababa lang po ni Steve." magalang na sabi niya sa nanay ko. "Anak, manong maglinis ka muna ng katawan mo, nakakahiya naman kung ganyan kang haharap sa bisita mo." sabi sa akin ni Nanay. Saglit akong nagpaalam kay Mr. Miller para maglinis ng katawan ko, puro putik din kasi ang damit ko pati ang mga paa ko. Umikot ako sa likod bahay namin para doon maligo. Nakita ko si Alice kaya nagpakuha ako sa kanya ng tuwalya at shampoo sa banyo. Habang naliligo ay iniisip ko paano nila nalaman ang bahay ko? Bakit sila

