AIRAM PAULEEN Bumalik na si William ng Manila at hinayaan niya muna akong maiwan dito sa Laguna para asikasuhin ang Tatay. Halos wala pa akong tulog at hindi pa rin ako nakakaligo, hinihintay ko si Nanay na kapalit ko para makauwi muna ako at makapahinga kahit konti. "Pau, kumain ka muna. Baka pagalitan ako ni Boss pag nangayayat ka." sabi sa akin ni Sir STeve. "Sya nga pala baka bukas makuha na ang title ng lupa ninyo tumawag sa akin ang abugado na inutusan ni boss." muling sabi sa akin ni Sir Steve. Kung sana lahat ng tao mayaman di sana ang dali ng buhay, kaso hindi talaga patas ang buhay. "Nabayaran ko na rin ang initial payment para sa surgery ng Tatay mo, kaya wala ka na rin poproblemahin." muling sabi niya sa akin. "Sir, pwede po bang magtanong, kung okay lang po? Bakit po ba g

