AIRAM PAULEEN Sinadya namin ni Anne na bumiyahe ng gabi pabalik ng Manila, para lang akong kriminal na kailangan pang nakabalabal ng shawl ang ulo ko para kahit paano ay walang makakilala sa akin. Natatakot pa rin kasi ako na baka may makakita sa akin na bumalik ako ng Manila ay bigla na lang nila ako ulit dukutin. Madaling araw na ng dumating kami sa apartment ni Anne, tinulungan ko na siyang magligpit at bukas ay luluwas na kami papuntang Cavite. "Pau, desidido ka na ba sa gagawin mo? Hindi ka ba magsusumbong sa lolo ni William? Sabi mo naman mabait yon diba?" tanong ni Anne, habang nagliligpit kaming dalawa ng gamit na dadalahin namin sa aming pag alis. "Hindi ko na siguro iistorbohin yung matanda, wala naman siyang alam sa mga gingawa ng apo niya. Hahayaan ko na munang maniwala sil

