AIRAM PAULEEN "Anak, kunin mo itong pera, magagamit mo ito kapag nasa bayan ka na." sabi ni Nay Selya, inaabot ni sa aking ang nakarolyo niya pera. "Nay, huwag na po, sapat na po sa akin ang ginawa ninyong pagtulong. Matagal po ninyong inipon ang pera na yan at alam kong kakailanganin ninyo ni Tatay yan." sagot ko sa kanya. "Pau, anak, kuhain muna ang perang binibigay ng Nanay mo. Mas kailangan mo iyan kesa sa amin. Ikaw ang aalis at pupunta sa bayan. Paano kung may kailangan kang bilihin o bayaran, saan ka kukuha ng pera?" sabat naman ni Tatay Damian. Wala akong nagawa ng ipilit nila sa aking tanggapin ko ang perang binibigay nila. Inihatid din nila ako kung saan ako sasakay papuntang bayan. Wala akong ibang dala kundi ang suot ko lang at ang perang itinago ko at ibinigay nila sa akin

