WILLIAM
Mabilis akong kumilos at pumasok sa kwarto ko hinayaan ko ng umalis ang babaeng kasama ko at hindi ko na siya pinansin pa. Dumiretso na ako sa banyo at nagsimula ng maligo. Hindi nagtagal ay natapos na ako, nagbihis at inayos ang aking sarili. Nang makita ko na okay na ako ay dinampot ko na ang susi ko at pumasok na ako ng opisina.
Padating pa lang ako ay sinalubong na ako ng aking secretary.
"Sir, kanina na pa po kayo hinihintay ng lolo po ninyo. Naka ilang tawag na po sa akin ang secretary niya tinatanong kung wala pa daw po kayo." sabi sa akong ni Vivian.
Iniabot ko sa kanya ang bag ko at pinapasok sa opisina ko. Naglakad ako papunta sa CEO's office para puntahan si Lolo. Kumatok ako ng tatlong beses at narinig ko naman ang boses ni Lolo, itinulak ko ang pinto.
Pagpasok ko pa lang ay galit na mukha na ni Lolo ang sumalubong sa akin.
"Are you really not going to fix yourself, Liam? You are already 30 years old, but you still seem to be playing with women. You are making them an outlet for your body heat. Aren't you going to come to your senses? You need to find a girl you can take seriously and marry. I give you six months to find a girl to marry, or else I will give all of your wealth to charity, and you will not inherit even a penny from me!" Grandpa said angrily.
"But lo, it's not that easy. All the girls nowadays are gold diggers; I don't want to marry a girl that I don't love."
"You don't want to marry a girl that you don't love, pero anong ginagawa mo sa mga babae? Pinaglalaruan mo sila. I don't like to do this, but you push me to the limit. Paano ko ipagkakatiwala sa'yo ang buong kumpanya kung puro pambababae lang ang alam mo? Anong aasahan ng kumpanya sa'yo kung puro good time lang ang alam mo? You leave me no choice, Liam. Mag-aasawa ka at magpapakatino o ibibigay ko sa charity lahat ng kayamanan na mayroon ang pamilya natin!"
Wala akong nagawa, lumabas akong muli sa opisina ni Lolo na laylay ang balikat. Wala pa akong planong mag asawa pero mapipilitan akong gawin para lang mapagbigyan ang gusto ni Lolo. Pagdating ko sa aking opisina ay agad kong tinawagan ang assistant kong si Steve. Ilang ring lang at agad niya namang sinagot ang kanyang telepono.
"Hello, boss." sagot niya sa kabilang linya.
"Nasaan ka? I need you now!"
"Boss, nandito po ako sa Laguna, birthday po ng Nanay ko kaya umuwi po muna ako. Di ba nag paalam naman po ako sa inyo?" sagot niya sa akin.
Napakamot na lng ako ng ulo, bakit ba ako pinapahirapan ng lolo ko ng ganito. Pilit niya akong pinag aasawa, ang gusto ko lang naman ay ienjoy ang buhay ko. I got in so many failed relationship, nag seryoso din ako pero niloko lang ako. Bakit ngayong gusto ko lang ienjoy ang buhay ko bilang bachelor ay tingin ni Lolo walang direction ang buhay ko.
Ayaw ko munang isipin ang problema ko, mayroon pa akong 6 na buwan para mag isip. Pagtutuunan ko muna ng pansin ang trabaho ko at ang kumpanya ko. Kung tutuusin, kahit naman hindi ipamana sa akin ni Lolo itong kumpanya niya ay ayos lang. May sarili akong kumpanya at kaya kong mabuhay ng hindi umaasa kay lolo. Hindi ko lang magawang bitawan ang kumpanyang ito dahil kasama ang mga magulang ko sa nagpalago nito at noong mamatay sila ay ibinilin nila ito sa akin na alagaan at huwag pababayaan.
Lagi kong sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa magulang ko dahil sa mga bagay na nagawa ko nitong mga nakaraang buwan. Sa sobrang sakit ko sa ulo may mga bagay akong nagawa na hanggang ngayon ay minumulto ako. Alam ko na hindi masaya si Mommy sa mga kasalanang nagawa ko kaya pero pilit niya akong pinagtanggol. Kaya gusto ko ding gawin ang isang bagay na alam kong mag papasaya sa kanya. Ang alagaan ang kumpanya nila, hindi lang ako sang ayon ay ang desisyon ni Lolo na lumagay muna ako sa tahimik bago ibigay sa akin ang pamamahala ng kumpanya.
"Sir, ipapaalala ko lang po ang meeting niyo with Mr. Soliman, mamayang 2 p.m sa restaurant." sabi ng secretary ko ng pumasok dito sa aking opisina.
"Okay, get ready, and we will be leaving. Just prepare the portfolio that I need and the contract that they need to sign," utos ko sa aking secretary.
Paglabas ng secretary ko ay inayos ko na ang gamit ko, isunuot ko na ang coat ko. Bitbit ang bag ko ay lumabas na ako ng aking opisina.
"Let's go Vivian." tawag ko sa aking secretary. Dire-diretso na akong naglakad papunta ng elevator, si Vivian naman ay nakasunod lang sa likod ko.
Pag lapag namin sa ground floor at naglakad na kami palabas ng building ng makasalubong ko si Antonette.
"Babe, where are you going?"
"I have no time for you. I'm in a hurry; I have a meeting to attend to," sabi ko sa kanya.
"Babe, I miss you. Can you visit my place later?" malandi niyang sabi.
Hindi ko na siya pinansin naglakad na ako palabas at dumiretso sa aking sasakyan. Wala si Steve kaya ako ang mag di-drive ngayon para pumunta sa meeting ko.
Nakarating kami sa restaurant kung saan ang meeting namin, pumasok kami sa isang vip room at doon ko inabutan si Mr. Soliman.
"Good afternoon, Mr. Soliman. Sorry we're a little bit late." hinging paumanhin ko.
"It's okay, Mr. Miller, kadarating ko lang din naman.." sagot niya sa akin.
Nakipag kamay ako at umupo ako sa bakanteng upuan na katapat niya. Nag umpisa na akong ilatag sa kanya ang propose project na gusto niyang salihan. At pinaliwanag ko sa kanya lahat ng kailangan niyang malaman. Tumagal ang meeting namin ng halos isang oras at kalahati, mabuti na lang at na close ko ang deal naming dalawa.
"Miss Vivian, please give the contract to Mr. Soliman." utos ko sa aking secretary.
Iniabot niya ang contract at pinabasa ko muna ito. Muka naman siyang natuwa sa laman ng kontrata kay pinirmahan niya ito agad. Matapos magkapirmahan ay nagpaalam na ako at umalis na kami agad.
Pagakarating namin sa aking opisina ay narinig kong may tumatawag sa akin, dinukot ko ang celpon sa akin bulsa at nakita ko ang aking assistant ang nasa kabilang linya.
"Napatawag ka? Siguraduhin mo lang importante ang sasabihin mo ng sulit ang pang iistorbo mo sa akin." sabi ko sa kanya.
"Boss, may nakita na akong babae na pwede mong mapangasawa, pwede mo siyang punta han dito sa laguna para mkita mo kung papasa sayo. Nagtatarabaho siya bilang waitress sa isang club. Pero sure akong matino ito, naipagtanong ko na siya at inalaman ko na kung saan siya nakatira. Dahil lang sa utang nila kaya siya nag tatrabaho sa club. Sa tingin ko pwede mo siyang offeran ng pera para pumayag sa mga kondisyon mo." sabi sa akin ni Steve.
"Okay pupunta ako ngayon ng Laguna, magkita tayo sa mansion." sabi ko kay steve.
Bigla akong nakahinga at para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni Steve. Sisiguraduhin ko muna na malinis ang babaeng yon bago ako magdesisyon kung aalukin ko ba siya ng kasal kapalit ng pera.