CHAPTER 5

1649 Words
PAULEEN Isang linggo na akong pumapasok sa club at kahit papaano ay lumuwag luwag ang buhay namin. Sa umaga, maaga akong gumigising para pumunta sa bukid. Nagtutubuan na ang mga tinanim ko kaya ngayon ay ginagawaan ko naman sila ng balag. Kailangan kong doblehin ang sipag ko para makaipon kami ng pera na pantubos dito sa lupang pag aari ng magulang ko. Ito na lang ang meron kami, mas lalo kaming mahihirapan kapag nawala pa ito sa amin "Anak, sasabay ka ba sa akin? Mamimitas ako ng gulay na ibebenta ko sa palengke, madami ng bunga ang tanim. Ang iba ay pwede ng pitasin at ibenta." sabi sa akin ni nanay. "Sige po, nay, tapusin ko lang po itong paghuhugas ko ng plato." magalang ko naman na sagot. Kauuwi ko lang galing sa trabaho, sa club na ako nagpapalipas ng gabi. Masyado na kasing delikado kapag uuwi pa ako ng madaling araw. Pagkatapos kong maghugas ay nagpalit na ako ng damit na pambukid. Lumang jogging pants at long sleeve lang ang ginamit ko. Nag suot na rin ako ng sumbrero at kinuha ang itak na gagamitin ko sa pagtatabas. "Tay, pupunta po muna kami ng bukid ni nanay, maiwan po muna kayo dito." paalam ko kay tatay. "Sige, mag iingat kayong mag-ina. Kapag gumaling ako, ako naman ang magtatrabaho para sa inyo." sabi ni Tatay. "Huwag mo po munang isipin ang pagtatrabaho,Tay, kaya ko pa naman po. Ang mahalaga po ay gumaling ka po muna." Naghanda na kami ni Nanay at lumabas na ng bahay. Habang nasa daan kami ay may mga nakakasalubong kaming mga kapit bahay. "Naku, akala mo matino, sayang ang pinag aralan, sa club din naman napunta." bulong ng kapit bahay namin sa kasama niya ding babae. "Hoy, Tess! Anong sabi mo sa anak ko?" galit na kinompronta ni nanay si Aling Tess. "O bakit? Hindi ba totoo na sa club na rin nagtatrabaho ang anak mo? Kagaya ng kaibigan niyang si Anne." mataray na sabi ni Aling Tess. "Nay, pabayaan na po natin sila, kahit naman po magpaliwanag tayo sa kanila; iisipin pa rin nila na masama ako kasi yun ang gusto nilang paniwalaan. Sayang lang po sa oras ang makipag away sa kanila." sabi ko kay nanay. "Naku, Pauleen, ganyan na ganyan ang linyahan ng mga nagtatrabaho sa patay sinding ilaw. Tignan mo ang kaibigan mo, akalain mong ilang buwan pa lang nagtatrabaho sa club abay nagpapagawa na nga bahay." pang iinsulto niya sa akin. "Mawalang galang na po Aling Tess, ang dumi naman po sobra ng isip ninyo. Hindi po lahat ng nagtatrabaho sa club ay kagaya ng iniisip ninyo. Marangal po ang trabaho namin ni Anne, at kung meron man pong marumi dito; kayo po yun. Ang dumi ng utak ninyo, kasing dumi ng lumalabas dyan sa bunganga mo. Halika na po Nay, mahirap makipag away sa mga taong ang tingin sa sarili ay walang bahid dungis." sarkastiko kong sabi, sabay hila sa aking ina na alam kong nanggigigil na kay aling Tess. "Nay, okay ka lang po ba? Nangingig ka po?" nag aalala kong sabi kay Nanay. "Ayos lang ako anak, masyado lang matabil ang dila ni Tess. Kung makapanghusga akala mo napakalis nila." "Hayaan niyo na po, nay. Hindi naman nila tayo matutulungan sa problema natin. Ang mahalaga alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawa na masama. Husgahan man ako ng ibang tao, taas noo pa rin akong maglalakad sa harap nila dahil wala akong ginagawa na masama." sabi ko kay nanay. Nagpatuloy na kami ni nanay sa pag lalakad, pagdating namin sa bukid ay natutuwa ako dahil ang mga pinag paguran kong itanim ng ilang buwan ngayon maibebenta na namin. Malalaki na ang bunga ng upo, talong at sitaw, ang mga bagong tanim ko naman ay nag uumpisa na ding sumibol. May ilang bunga na rin ang tanim kong kalabasa, pati ang kamatis na tanim namin ni nanay ay marami na din ang bunga. "Anak, masaya ako at unti-unti na tayong nakakaahon. Kahit paano nakakabili na tayo ng bigas at gamot ng tatay mo. Ang hiling ko lang sana tuluyan na siyang gumaling para hindi na tayo nag aalala sa kanya. Mamaya kapag nakabenta ako ang tira sa perang maipambibili ko ng kailangan natain ay pwede muna itabi para madagdagan ang ipon natin. Sana kahit kalahati makaipon tayo para may maibayad tayo sa bangko." sabi sa akin ni nanay. "makakaraos din po tayo Nay, hindi naman po tayo tamad at hindi rin po natutulo ang Diyos. Nakikita niya po ang paghihirap natin at alam kong matutubos din po natin ang lupa nati." pagpapalakas niya ng loob niya sa kanyang ina. Matapos silang mamitas ng gulay ay hinugasan na nila ito saka itinili at tinimbang. Marami-rami ang naharvest nila ngayon, mahal din ang bentahan ng gulay ngayon kaya alam niyang malaki-laki ang magiging benta ng nanay niya. Nang matapos na sila ay inilagay niya na sa sako ang mga gulay saka niya ito maingat na pinasan. Alas otso na ng umaga ng makarating sila sa kanilang bahay, nakita niya ang tatay niya na nakaupo sa sala. Nakangiti niya itong nilapitan at binati. "Kamusta po Tay, hindi po ba kayo natumba nung tumayo kayo sa kama?" tanong niya sa kanyang ama. "Hindi naman anak, maraming salamat sa baston na binili mo para sa akin malaking tulong ito para maigalaw ko na ang mga paa ko. Paunti-unti makakaya ko na rin maglakad ng walang saklay." "Pero, huwag mo pa ring pilitin Tay, baka imbes na gumaling ka, mamaya eh madulas ka naman at mas long lumala ang kondisyon mo." paalala niya. Nang makita niyang nakabihis na ang kanyang nanay ay nagpaalam siya sa tatay niya na tatawag lang siya ng tricycle para masakyan ng nanay niya. Lumabas siya ng tarangkahan nila at nakita niya si Mang Temyong na nakapark sa tapat ng tindahan. Habang papalapit siya ay may napansin siyang isang lalaki na tila nakatingin sa kanya. Hindi niya naman masasabing may masamang balak dahil mukang mamahalin ang damit nitong suot at maayos naman ang hitsura. Hindi niya kilala ang lalaki at parang ngayon niya lang ito nakita sa lugar nila. "Kuya, napansin ko po kanina ka pa nakatingin sa akin?" tanong niya dito. "Ah, pasensya ka na Miss, parang naliligaw kasi ako." sagot naman nito sa kanya. "Gusto ko sanang magtanong kaso nahihiya ako." muli pa niyang ani. "Ah okay po kuya, ano po ba gusto ninyong itanong?" "May hinahanap kasi akong tao, kaso kanina pa ako nagtatanong hindi daw nila kilala. Baka sa ibang barangay na siya nakatira." muling sagot ng lalaki. Hindi niya na muli pa itong tinanong at pinuntahan niya na si Mang Temyong para itanong kung pwede siyang maging service ng nanay niya. Pagkaalis ng nanay niya ay naglinis muna siya ng kanilang bahay. Nagsalang ng kanin para pag uwi ng nanay niya ay ulam na lang ang lulutuin. Nang matapos niya lahat ng gawain niya ay nagpaalam na siya sa tatay niya na iidlip muna, medyo inaantok na siya kaya kailangan niya muna matulog para mamaya ay may lakas siyang mag puyat sa kanyang trabaho. Bandang alas tres na ng hapon ng magising siya. "Anak nakahanda na sa lamesa ang pagkain mo. Kumain na muna bago ka maligo at magbihis." utos sa kanya ng kanyang nanay. "Ito nga pala ang dalawang libo anak sobra sa napagbentahan ko kanina, idagdag mo sa ipon natin." muling sabi ng kanyang ina. Napangiti naman siya at kinuha ang dalawang libo na inabot ng kanyang nanay. Gabi-gabi ay mababa na ang tip na isang libo na nakukuha niya sa club, kapag pumupunta pa ang customer ng club na si Mr. Ali ay mas malaki ang tip na binibigay nito sa kanya. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako, hindi rin naman ako nagtagal at nagbihis na ako, saktong alas singko ng hapon ng umalis na ako sa bahay. Dinaanan ko na si Anne dahil sabay kaming napasok tuwing hapon. Masigasig din magtrabaho si Anne dahil pareho kaming bread winner ng aming pamilya. Siya na may dalawang pinapaaral na kapatid at pinapagawang bahay, kay hindi siya din makuha ang mag day off dahil sayang daw ang kita. "Anne! Anne!" tawag ko sa kanya. Hindi naman nagtagal ay lumabas na siya, nakabihis na din siya at nagpaalam lang din sa kanyang magulang at umalis na kaming dalawa. Bago mag alas sais ay nakarating na kami sa Neon Lights, dumiretso kaming dalawa sa locker namin at nagpalit ng uniform. Dito na kami nag papalit dahil medyo daring ang uniform na suot namin. Medyo mababa ang cleavage nito at may kaiklian din ang palda. Nagsisimula ng dumating ang mga parokyano ng club, kadalasan mga negosyante at mga pulitiko ang pumapasok dito. Kaya hindi naman ito basta-bastabf club kagaya ng iniisip ni Aling Tess. Mga bandang alas diyes ng gabi ng may nakita kami ni Anne na pumasok na bagong customer. "Pau, nakita mo ba yon, ang gwapo sana pero bakit lumpo." bulong sa akin ni Anne. Tinignan ko ang lalaking tinutukoy niya, tama siya napaka gwapo nito at ang laki ng katawan. Bigla lang ako naawa dahil nakasakay siya sa isang wheel chair. Naalis lang ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa wheel chair ng tawagin ako ni Madam. "Pau, ikaw ang request ng bagong customer na mag assist sa kanila. Dalahin mo sila sa private room at ikaw ang magsilbi sa kanila." sabi sa akin ni Madam. Agad akong tumango at nilapitan ang mga bagong dating. "This way, sir," magalang kong sabi sa kanila. Dalawa lang silang magkasama at para namumukhaan ko pa ang lalaking nagtutulak sa kanya. Pag pasok namin sa vip room ay muli kong tinignan ang lalaking naka wheel chair. Hindi sinasadya na nagtama ang aming paningin at para akong napapaso sa mga titig niya sa akin. Ako na ang unang nag alis ng tingin sa kanya dahil nakaramdam ako ng hiya sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD