CHAPTER 6

1112 Words
AIRAM PAULEEN "Would you like to order something, sir?" Magalang kong tanong sa kanila. "Do you have Highland Park 18years old?" tanong sa akin ng lalaking nakaupo sa wheel chair. "Yes, Sir!" mahina ko namang sagot. "Give us a bottle, and some ice with it." sagot niya sa akin. "Noted, Sir!" sagot ko. "Excuse me, Sir, kukunin ko lang po ang order ninyo." Naglakad na ako palabas ng VIP Room at nagpunta ako sa counter para kuhain ang order na scotch ng mga nasa VIP. "1 bottle og Highland Park 18years old with ice please," sabi ko sa barista namin. "Pau, mukang mayaman yung bagong customer, ikaw daw ang ni-request na waitress nila." chika sa akin ni Anne. "Talaga ba! Hindi ko alam, wala pa naman sila sinasabi sa akin." sagot ko. "Naku galingan mo mag serve sa kanila para malaki ang tip na ibigay sayo, ang gwapo pa naman sana nung lalaki tapos ang laki ng katawan kaso naka wheel chair." malanding sabi sa akin ni Anne. "Sige na alis na ako, baka magalit na yun kapag matagal na akong nandito." Naglakad na ako pabalik ng VIP room, pag pasok ko ay nakatingin lang sa akin ang lalaking nasa wheel chair. Hindi ko alam kung sa mukha ko ba nakatingin o sa dibdib ko. Medyo nahiya ako kaya pasimple kong tinakpan ang cleavage ko. "Lintik na to, naka wheel chair na nga malibog pa ang pisti" sabi ko sa isip ko. Ibinaba ko ang order nilang scotch sa table pati na rin ang yelo. "May kailangan pa po ba kayo, Sir?" "Wala na, maupo ka na dyan at salinan muna ng alak ang baso ni Mr. Miller." utos sa akin ng isang lalaki. Napalunok ako sa inutos sa akin ng lalaki, ginawa pa akong yaya ng amo niya. "Sir, may trabaho pa po kasi ako. May kamay naman po kayo baka po pwedeng kayo na ang mag salin ng alak sa baso niya." mahina kong sagot. "Didn't your manager tell you that Mr. Miller hired you to be his personal waitress now?" sabi sa akin ng lalaki. Totoo nga ang sinabi ni Anne, bakit naman kasi hindi sinabi sa akin ni Madam? Nakakahiya tuloy ako. "Pasensya na po, Sir, baka po nakalimutan pong sabihin sa akin. Okay na po, ako na po ang mag sasalin ng alak sa baso niya." sagot ko. Umupo ako sa tabi ni Mr. Miller at kumuha ng yelo sa ice bucket at inilagay iyon sa baso niya, saka ako nag salin ng scotch sa baso niya at inabot ito sa kanya. Kinuha niya naman at nakaramdam ako ng hiya ng pati kamay ko ay hawakan niya. "Sir, ang kamay ko po." "I'm sorry," sagot niya. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at bumalik ako sa upuan ko. "By the way, I'm steve, assistant ni Mr. Miller. Ikaw anong pangalan mo? Tanong niya sa akin. "Pauleen po," "Ilan taon ka na?" muli niya na namang tanong. "Twenty two po," "Bakit ka nagtatrabaho dito?" "Sir, Q & A ba ito? Masyado na po yatang personal ang tanong ninyo." "Pasensya kana gusto ko lang naman malaman, iba-iba kasi ang dahilan natin kung bakit tayo nagtatrabaho sa ganitong lugar. Alam naman natin na kapag sa club ka nagtatrabaho kahit wala kang ginagawang masama ay hindi maganda ang tingin sayo ng iba." sabi sa akin ni Sir Steve. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila, kung sasagutin ko ba ng totoo ang tanong niya sa akin. Bumaling ang tingin ko kay Mr. Miller, nakita ko na seryoso lang siyang umiinom ng alak. Parang nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil sa kalagayan niya. Mayaman siya pero nakatali siya sa kanyang wheel chair. "Miss Pauleen, baka naman matunaw na ang boss ko sa paraan ng pag tingin mo sa kanya." sita sa akin ni Sir Steve. "Pasensya na po, hindi ko po sinasadya." hinging paumanhin ko. "Please answer Steve's question: Why are you working here?" Baritonong sabi ni Mr. Miller. Nakaramdam ako ng takot sa paraan ng pag sasalita niya. "Ah... hindi ko po alam kung dapat ko bang sabihin ang dahilan ko. Masyado po kasing personal at problemang pam pamilya." Nahihiya kong sagot. "Tell us, maybe we can help." walang emosyon ang boses na muli niyang ani. "Sir, pasensya na po, kung hindi ko masasabi; mas gusto ko pong sa akin na lang po kung ano man ang dahilan ko sa pag pasok dito. Wala naman pong masama sa trabaho ko, at wala po akong inaapakang tao. Wala po akong pakialam sa iisipin sa akin ng iba basta ang mahalaga po sa akin ay ang pamilya ko." sinserong sagot ko. "I respect your decision. I'm sorry if you feel offended; that's not our intention." ani niya sa akin. Muka naman mabait Si Mr. Miller kita ko naman sa kanya ang sinseridad ng kanyang sinasabi. Nakita kong may kinuha siya sa kanyang bulsa at inilabas niya ang wallet niya. "For you, thank you very much for joining us." sabi ni Mr. Miller sabay abot sa akin ng limang libo. "Naku, sir, hindi ko po ito matatanggap; sobrang laki po nito," ang sagot ko nang tanggihan ko ang binibigay niya sa akin. "That's my way of saying thank you for your time in assisting me. I know you need that money. Huwag ka nang tumanggi dahil I insist," sabi niyang muli. "Nangangailangan po ako ng pera, sir, inaamin ko po. Pero ayaw ko naman pong manglamang ng kapwa ko. Kaya nga po ako nagtatrabaho dito kasi gusto ko pong paghirapan ang bawat sentimong kinikita ko." sabi ko kay Mr. Miller. "I admire your hard work, but if you don't take that money, I'll give it to someone else." sagot niya sa akin. "This is for you; it's my tip so that you won't be rude the next time I come here." sabi niya sa akin. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niya, tama nga naman siya, tinarayan ko sila kanina. Hindi ko naman kasi alam na nirequest niyang maging personal waitress nila ako. Alam ko kasi pag ganun may extrang bayad para sa service namin sa kanila. Pinatabi niya na sa akin ang scotch na iniinom niya, sa susunod na lang daw na balik nila uubusin. Kailangan na daw nilang umalis. Hinatid ko naman sila hanggang sa labas, isang paraan ng pasasalamat ko sa kanila. "Thank you po ulit, sir. Pasensya na po kanina kung nakapag taray ako, hindi na po mauulit." hinging paumanhin ko. Ngumiti lang siya sa akin at tinulungan na siyang sumakay sa loob ng sasakyan ni Sir Steve. Ako naman ay bumalik na sa loob at hindi pa tapos ang trabaho ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD