CHAPTER 7

1463 Words
THIRD PERSON "Boss, ano sa palagay mo? Okay na ba para sayo si Pauleen?" tanong ni Steve sa kanyang Boss na si William, nagkakape ito sa garden ng mansion nila dito sa Laguna. "Mukha naman siyang okay, sakto lang." matamlay na sagot ni William. "Aminin mo boss siya na ang best candidate para mapangasawa mo. Unang-una muka siyang matino at hindi kagaya ng iba na mukhang pera. Sigurado ka na hindi ka gagawing ATM machine dahil sanay magtrabaho." may pinaghuhugutang sabi ni Steve. Napaisip si William sa sinabi ng kanyang assistant, nakita niya nga ang sinseridad sa mukha ni Pauleen kagabi ng pilit niyang binabalik ang pera na binigay niya sa dalaga. "Maghanda ka babalik tayo sa club mamayang gabi," sabi ni William kay Steve. "Boss, gagamitin mo na naman ba ang wheel chair mo? Pwede bang maglakad ka na lang, ang bigat mo kayang itulak." reklamo ng huli sa kanya. "Huwag kang marekalamo jan, gusto mo bang sisantehin na lang kita. Kailangan kong magpanggap para malaman ko kung kaya niya akong pakasalan sa kabila ng pagiging lumpo ko. Kung kaya niya ba akong alagaan at hindi lang dahil may kaya ako." giit ni William kay Steve. "Sa panahon ngayon, wala ng babae ang gugustuhing matali sa isang lumpo. Kapag pumayag siya na magpakasal sa akin kahit na may kapansanan ako, ibig sabihin ay isa siyang mabuting babae at hindi siya kagaya ng iba." muli pang sabi ni William "Sabagay, may point ka naman dun boss, tama ka naman kapag pumayag siya kahit na may kapansanan ka ibig sabihin tanggap ka niya at hindi pera ang habol niya sayo. E-eh, kailan mo naman balak ipagtapat sa kanya na hindi ka naman talaga lumpo?" muling tanong ni Steve. "Saka na, gusto ko muna siyang makilala. Matagal-tagal pa naman ang anim na buwan na ibinigay sa akin ni Lolo kaya mag pagkakataon pa ako para makilala siya ng lubusan." Ani ni William kay Steve. "Alamin mo kung saan siya nakatira at ano ang estado ng buhay niya." "Boss, huli ka na, naimbestigahan ko na siya, dyan siya sa kabilang barangay nakatira. Ang pagkakaalam ko kaya siya pumasok sa club ay umaasa siyang makakaipon siya ng pera para pantubos sa nakasangla nilang lupa sa bangko." sabi pa ni Steve. "Magkano naman nakasangla ang lupa nila?" tanong ni William sa kanyang assistant. "Ayan naman boss ang hindi ko pa naitatanong sa mga kapitbahay nila." nakangising sagot ni Steve. Samantalang sa bahay naman nila Pauleen ay masayang masaya ang kapatid niya dahil may dalang panghangda si Pauleen. Birthday ngayon ng kapatid niyang si Alice kaya bumili siya ng pancit sa bayan na iluluto nila para pag salu-saluhan nilang pamilya. Tamang-tama araw ngayon ng sabado at walang pasok ang mga kapatid niya. Hindi muna pumunta sa bukid si Pauleen gaya ng nakagawian niya, nagpaalam muna siyang matutulog sa kanyang ina dahil halos wala pa siyang tulog kagabi. Pagkapasok niya sa kanyang silid ay muli niyang naalala ang lalaki na nagbigay sa kanya ng pera na limang libong piso. Napakalaking halaga para sa kanya, pero para sa mga mayayaman ay maliit lang siguro iyon na halaga. Naisip niya na bakit napaka unfair ng buhay, silang nag susumikap patuloy na nahihirapan. Pero may mga tao, lalo na ang mga pulitiko na napakasarap ng buhay nila dahil nagpapakasasa sa kaban ng bayan. Hindi niya tuloy maisawan ang magalit dahil sa hirap ng buhay na nararansan nila. Alas dos na ng hapon ng magising si Pauleen, nakaluto na ng pancit ang Nanay niya at nakahanda na din ang lamesa para sa pagsasalo-salo nila. "Bryan, bumili ka muna ng tinapay sa bakery, samahan mo na rin ng dalawang litro na softdrinks." utos ni Pauleen sa kanyang kapatid. "Yehey! Magpapa softdrinks si Ate!" masayang sigaw ni Alice. Madalang lang kasi kami makainom ng softdrinks, madalas tubig lang ang panulak namin. "Ngayon lang yan, huwag kayong masanay." sabi ni Pauleen sa kanyang mga kapatid. Naging masaya ang simpleng birthday ni Alice, simple man ang handa alam ni Pauleen na kahit papaano ay napasaya niya ang kanyang kapatid. Pagkatapos nilang kumain ay muli na naman siyang naghanda para sa kanyang pagpasok. Nakita niya ang kanyang ama na nahihirapan sa kanyang saklay kaya inalalayan niya ito. "Tay, huwag niyo ho munang pilitin na maglakad, baka po lalo kayong mapasama. Hayaan po ninyo at nag iipon na po ako ng pambili ng wheel chair ninyo, para may magamit po kayo kapag gusto mo pong lumabas." sabi niya sa kanyang ama. "Anak, huwag muna akong pag aksayahan ng pera, mas mainam kung maiipon mo lahat ng kinikita mo para kahit papaano ay mayroon tayong pambayad sa bangko." malungkot na boses ng kanyang ama. "Tay, mahalaga din po kayo sa akin, kaya nga po ako nagsisikap magtrabaho para po sa inyo." sagot ni Pauleen. "Pasensya ka na anak kung matigas ang ulo ni tatay, wala na nga akong naitutulong; pinapasakit ko pa ang ulo mi." muli niyang ani. "Ayos lang po yun Tay, ihahatid ko na po kayo sa silid ninyo para makapahinga na po kayo at maliligo na po ako." sabi ni Pauleen sa kanyang ama. Mabilis na ang mga kilos ni Pauleen matapos niya pahigahin ang kanyang ama sa silid nito. Nagmamadali na siya dahil alas kwatro na, kailangan bago mag alas singko ay nakaalis na siya para hindi siya mahuli sa kanyang trabaho. Mag aalas singko na ng makaalis siya sa bahay nila, pinuntahan niya agad si Anne at sabay na silang pumasok na dalawa. Pagdating nila sa Neon Lights ay nagbihis agad sila ng kanilang Uniporme, medyo nilagyan niya ng pin ang cleavage ng kanyang dami para hindi naman luwang luwa ang kanyang dibdib. Habang lumalalim ang gabi ay dumarami rin ang kanilang parokyano, sabado ngayon kaya masyadong busy ang kanilang club sa mga guest. May live band din na nag peperform kaya mas dagsa talaga ang tao ngayon. Bandang alas dyes na ng maagaw ang atensyon niya sa dalawang lalaking papasok sa mula sa entrance, si Mr. Miller at ang assistant niya na si Sir Steve. Nakita ko na kausap na naman nila si madam, nagkunwari naman ako na hindi ko sila napapansin pero alam ko na naktingin sila sa akin. "Pau, tawag ka ni Madam," sabi sa akin ni Anne paglapit niya. Agad akong nagpaalam sa customer at lumapit ako sa kinaroroonan nila madam. "Magandang gabi po, Mr. Miller, Sir Steve." magalang kong bati sa kanila. "Pau, dalahin muna sila sa VIP at ikaw na rin ang mag serve sa kanila, huwag mo silang iiwan hanggat hindi pa sila nakakauwi, okay!" sabi sa akin ni Madam. Nakangiti naman ako tumango at iginiya ko na sila sa isang VIP room kung saan din sila pumuwesto kagabi. "Excuse me po sira, kukunin ko lang po ang bote ng alak n inyo sa bar counter." paalam ko ni Pauleen sa kanila. "Kumain ka na ba? Samahan muna ng juice or soda para makakain ka rin dito." sabi niya sa dalaga. "Naku sir, hindi na po, hindi naman po ninyo kailangan na pakainin ako. Trabaho po namin na mag serve sa inyo." tanggi ko sa kanya. "Lagi ka na lang bang tatangi sa tuwing aalukin kita. Hindi naman siguro kita aalukin kung wala akong pambayad. Kapag hindi ka kumuha ng pagkain mo magrereklamo ako sa manager mo." pagbabanta ng binata sa dalaga. "Ay sir, hindi naman po kayo mabiro. Actually po gutom talaga ako, hindi pa po ako nag hahapunan. Maganda po talaga ang mga kagay ninyong customer na naiisip ang kalagayan naming maliliit. Ngayon pa lang nagpapasalamat na po ako sa inyo." sunod sunod na sabi ni Pau. Pagkaalis ng dalaga ay napapangiti si Steve. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Diba ikaw ang may turo na maging mabait ako sa kanya para mapalapit ang loob niya sa akin. Bakit parang inaasar mo ako." sita ni William kay Steve. "Naku boss, guni-guni mo lang yang sinasabi mo na inaasar kita. Hindi kita pwedeng asarin dahil sayo nakasasalalay ang trabaho ko." sagot ni Steve sa kanya. Pagbalik ni Pauleen ay may dala na itong isang tray na pag kain at may kasama din pulutan. Dala niya na rin ang scotch na tira nila kagabi. Inilapag niya ito sa table at agad niyang nilagyan ng yelo ang baso ni William at sinalinan ng alak. "Kung may iuutos ka pa, sir, magsabi ka lang po. Your waitress, Pau, is always at your service," sabi niya kay William. Ilihim na napapangiti ang binata sa positibong karakter ni Pauleen, gusto niya pang makilala ang dalaga bago siya magdesisyon na alukin ito ng kasal, meron pa siyang 5 buwan para pag aralan ang ugali ng dalaga. Kung kinakailangan na magpanggap siya may gusto dito ay gagawin niya para lang mapapayag ito sa kasal na gusto ng kanyang lolo at para maisalin na ang kumpanya sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD