bc

MANANG_POSSESSIVE 1

book_age18+
16.3K
FOLLOW
98.4K
READ
billionaire
dark
one-night stand
age gap
dominant
goodgirl
maid
twisted
sweet
city
like
intro-logo
Blurb

Ang sabi nila kusang darating daw ang taong nakalaan sa ating lahat at hindi natin kailangan magmadali.

Dahil lahat tayo ay binigyan ng Diyos ng taong nakatadhana sa atin at katuwang hanggang sa ating pagtanda. Ngunit paano kung mali pala ang nakalaan sa 'yo. Imbes na maging masaya ka ay tila sumpa ang pagdating niya sa buhay mo.

Makakaya mo bang tanggapin ang nilalang na ito? Oh, mas na naisin mo na lang na isauli ito kung saan siya nanggaling at tanggaping ang pagiging matandang dalaga.

chap-preview
Free preview
Manang 1
"Rosana! Puwede bang pakilinis ng kwarto sa itaas," utos sa akin ni Inay. Tumingin muna ako rito bago ako magsimula. "Inay, may darating po ba tayong panauhin?" tanong ko sa aking mahal na ina. "Oo, tumawag si Mrs, Jackie. At pina-aalam niya na ngayon daw uuwi rito ang ang kanyang anak. At pinasasabing asikasuhin daw natin habang nagbabakasyon dito," saad ng aking ina. "Sige, po inay. Ako na po ang bahala sa kwartong pinalilinis ninyo," magalang na sagot ko. Agad naman akong tumalikod para pumunta na agad sa kwartong lilinisan ko. Napabuntonghininga na lamang ako ng wala sa oras. Sa katunayan ay halos dito na sa bahay na ito ako nagka-isip, hanggang sa sumapit ako sa edad kong tatlumpu't tatlo. Isang mayordoma ang aking ina sa bahay na ito. Ngunit bihira lamang kung pumunta ang mga amo namin. Lalo't sana Maynila ang mga negosyo ng mga ito. Kung baga, nagpupunta lamang sila rito dahil gusto nilang magbakasyon. Sa aking pagkakaalam ay dalawa ang anak ng mag-asawang Martinez. Isang babae at lalaki. Pero never na pumunta ang mga iyon dito. Isang malaking himala nga na pupunta pala ang isa sa mga anak nito. Napa-iling na lamang ako sa mga pumapasok sa aking isipan. Imbes na pag-aasawa ang aking isipin ay kung ano-ano naman ang pumapaloob sa kukuti ko. Kung tutuusin ay dapat na akong mag-asawa dahil sa edad kong lampas na sa kalendaryo. Ngunit paano naman ako makakapag-asawa kung sobrang pihikan ng aking puso. May mga nanliligaw naman sa akin. Ngunit ayaw ko naman nang mas bata sa akin. Iwan ko ba? Kung bakit gustong-gusto akong ligawan ng mga batang iyon! Diyos ko po! "Rosana, kapag natapos ka riyan sa paglilinis mo'y pumunta ka sa palengke at bumili ng ulam," narinig kong sabi ni inay sa akin. "Opo inay," sagot ko. Agad na naman nagpaalam si inay sa akin. Ako naman ay binilisan ko ang aking paglilinis dito sa kwarto. Nilagyan ko rin ng kurtina ang mga bintana. Pinalitan ko naman ng cover ang kama. At nang tuluyan na akong matapos ay agad akong lumabas para kuhanin kay inay ang pera. Hindi naglaon ay nakarating ako sa palengke. Binili ko lang ang mga pinagbilin sa akin. Agad din naman akong umalis sa lugar. Hindi rin naman kalayuan ang palengke mula sa bahay ng amo namin. Kaya nilalakad ko na lang papunta sa pamilihan at sa pauwi. Subalit habang naglalakad ako'y mayroon biglang dumaan na isang mamahaling sa sakanyan. Sobrang bilis din nang takbo nito. Ang sama pa'y talagang sa tubig na kanal pinadaan, kaya ang kinalabas ay sa akin napunta ang maruming tubig. Hindi ako makagalaw sa nangyari sa akin. Nakakasama lang ng loob dahil hindi man lang tumigil ang pesteng kotseng iyon. Para humingi ng tawad sa akin. Dahil sa ginawa. Kahit sama ang loob ay muli akong nagpatuloy sa paglalakad pauwi. Malayo pa lang ako'y nakita ko na ang kotseng may kagagawan kung bakit ako mukhang basahan ngayon. Bigla ring nagsink-in sa utak ko na baka ito ang anak ng amo naman. Wala naman kasi kaming inaasahan na pupunta rito kundi ang amo namin. "Animal! Ganito pala kasama ang uli ng anak ng mag-asawang Martinez.." bulong ko. Kailangan kong pigilan ang inis ko, baka mapalayas kami sa bahay na ito. Wala pa naman kaming ibang mapupuntahan. Sapagkat wala na kaming lupa. Naibenta noong nagkasakit ang itay ko. Ngunit hindi rin naisalba ng mga doctor. Laking papasalamat namin sa pamilyang Martinez nang dito kami patirahan. Dating labandera si inay sa pamilyang iyon. Kaya nang malan nila ang nangyari sa amin itay ay sila agad ang tumulong sa amin ni inay. "Rosana, ano'ng nangyari sa iyo? Parang basahan ang iyong itsura!" gulat na gulat na tanong ni inay nang makita akong papasok sa loob ng gate. Bigla tuloy akong napasimangot ng wala sa oras. "Kasi naman inay. May siraulong pinadaan ang kotse niya sa isang kanal. Kaya ang kinalabasan sa aking tumalsik ang maruming tubig na iyon!" malakas na bulalas ko. "Ay! Sinong tao naman ang may kagagawan noon anak? Baka naman hindi niya nakita ang kanal," sagot naman ng inay ko. "Talagang hindi niya nakikita inay, dahil parang inahabol ni kamatayang ang pagpapatakbo niya ng kotse!" malakas na sabit ko ulit. "Hayaan muna anak! Maligo ka na lang. Akin na ang mga pinamili mo para mailuto ko na. Nandiyan na kasi ang anak ni Mrs. Jackie," sabi sa akin ni inay. Hindi na lamang ako nagsalita. Agad naman akong nagpaalam sa aking ina. Ngunit pagbaling ko sa harap ng pinto ng bahay ay mayroong nakatayo roon na isang lalaking. Habang ang isang kamay ay nakahawak sa beywang nito. Nakatingin lamang ito sa amin. Pero salubong naman ang mga kilay nito. Peste! Aamin kong humanga ako sa taglay nito karisama. Kaya lang mukhang arroganta ito. At wala man lang kangiti-ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito. Umiwas na lang ako ng tingin dito. At agad na tumalikod, sa likod bahay ako dumaan. Para pumunta sa poso. Kung 'di ako nagkakamali sa edad nito ay mukhang twenty five year old lamang ito. Hindi katulad kong matanda na at wala na sa kalendaryo. Mamamatay siguro akong berhen. Pero gusto kong magkaanak kahit isa lamang. Ngunit paano? Napa-iling na lamang ako sa mga tumatakbo sa aking utak. Hindi naman puwedeng basta na lang akong kumuha ng lalaki riyan sa tabi-tabi para lang makipag s*x. Huwag na, oy! Ililigo ko na lang ito! At baka sakaling mahimas-masan ang pag-iisip ko. Kaya naman pagdating sa poso ay agad akong naligo. Panay lang buhos ko ng tubig gamit ang tabo nang mayroon magsalit sa aking likuran. Bigla tuloy akong napatigil at pagkatapos ay dahan-dahang lumingon upang alalim kung sino man ang nilalang na istorbo sa aking masarap na paliligo. "Why are you bathing here?" Hindi ako makahuma sa tanong nito. Saka rito naman talaga ako lagi naliligo. Ayaw ko sa cr! Mas nag-e-enjoy ako rito. "Don't you have a tongue?" "S-Senyorito, dito naman po talaga ako naliligo rati pa," magalang na sagot ko sa lalaking kaharap ko. Sabay tungo ng aking ulo. Wala naman akong narinig na salita mula sa lalaki. Nakita ko na lang ang mga paa nito ay humakbang papaalis dito sa poso. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan na itong umalis. Ako naman ay dali-dali ng naligo. Diyos ko! Nakakahiya sapagkat may nakakita na sa aking paliligo. Hindi ko naman akalain na pupunta ito rito sa likod bahay. Pagkatapos maligo ay agad akong pumunta ng banyo para magbihis. Mayroon naman cr dito sa likod bahay. Ngunit naalala kong wala nga pala akong dalang damit at ang tanging nandito lamang ay ang tuwalya. No choice ako kundi gamitin ito. Lumabas ako ng banyo habang may tapis ang aking katawan. Sa kusina ako dadaan sapagkat malapit doon ang silid ko. Iba rin ang silid ng inay ko. Hindi naman kalakihan ang silid ko at pang isahan lamang. Subalit hindi pa ako nakakapasok sa aking kwarto nang mamataan ko ang amo namin. Papasok naman ito ng kusina. Hindi ko tuloy alam kung babalik ako sa likod bahay, oh, huwag na lang itong pansinin. Napango na lamang ako upang hindi nito makita ang pamumula ng mukha ko. Dumaan lang naman ito sa aking harapan. At tila hindi ako nakikita. Sabagay, alam ko naman na hindi nito pag-iintresan ang aking katawan. At alam kong maraming babae sa pinanggalingan na lugar nito, sexy at bata pa. "s**t!" piping sabi ko sa aking sarili at nagmamadaling pumasok sa aking silid. Agad kong ini-lock ang pinto. Sabay sandal doon. Bakit sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi puwede ito!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook