"Ay! Teka lang muna! Magpupulot gata na ba kayo?!" biglang tanong ng inay ko sa amin. "Inay, ano ba iyang pinagsasabi ko?!" malakas na tanong ko sa akin ina. Sobrang nagugulat ako sa mga lumalabas sa bibig nito. "Anak, wala naman mali sa aking tanong. Saka para magkaroon na rin ako ng apo. Dahil inip na inip na ako!" Lalong walang lumbas na tinig sa aking bibig dahil sa sagot ni inay. "Huwag po kayong mag-alala, nay, malapit na po iyong mangyari. Hmmm! Puwede ko na po bang masulo ang aking asawa, nay?" abnormal na tanong ng lalaki sa aking ina. "Ay! Oo naman. Sige na pumasok na kayo sa loob ng kwarto upang gumawa ng apo ko. Ako'y aalis muna para pumunta sa bayan. Bibili ako ng kaunting handa dahil kinasal na kayo ngayon; saad ng inay ko at pagkatapos ay tumayo mula sa pagkakaupo. Paali

