Nagising si Jia sa tunog ng hampas ng alon sa dalampasigan. Nagtataka siyang inilibot ang paningin. Tumambad sa kaniya ang purong gawa sa kawayan na kinaroroonan niya. “Nasaan ba ako?” tanong niya sa sarili niya bago tumayo at bumaba sa kama na kinaroroonan niya. Nang makatayo ay saka niya hinawi ang kurtina na gawi sa capiz na siyang nagsisilbing pinto ng nipa hut. Napasinghap siya nang makita ang labas. Ang nasa harapan niya ay walang katapusan na karagatan na ang dalampasigan ay may puting buhangin. Ang hangin na papunta sa kaniya ay naging dahilan upang tangayin ang buhok niya pero hinayaan niya pa ring nakalugay iyon. Nilingon niya ang kinaroroonan. Naroon ang tsinelas niya na hindi niya na pinagkaabalahan pang suutin dahil na-excite siya sa tunog ng alon. But she did not mind a

