CHAPTER 47

2160 Words

Pagkarating sa bahay ay agad na inasikaso ni Michael si Jia. Ayaw man ng dalaga pero nagpumilit siyang paupuin na lang ito habang hinihintay ang lulutuin niya.  Wala pa si Brent, pero ang sabi ay pauwi na. Si D naman ay wala rin. Hindi niya alam kung nasaan. Hindi niya na rin ito nakakausap simula nang makita niya itong nanghihina sa kompanya niya. Tila ba alam nitong magtatanong siya kaya ito na mismo ang umiwas.  “Ano ang niluluto mo? Mabango, ah.”  Lumingon siya at kumindat sa dalaga. “Hindi lang mabango, masarap din.” “Sabagay. Napatunayan ko na na masarap kang magluto. Hindi katulad ni Michael na ewan.” Nang natawa ang dalaga ay siya naman ang pagngiwi niya.  Totoo ang sinabi ni Jia. Hindi siya magaling magluto noon. Pero dahil alam niyang mahilig kumain si Jia, na noon at hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD