“Sabihin mo lang sa akin...” Iyon ang mga katagang pilit na sumisiksik sa isipan ni Michael. Simpleng salita lang ang sinabi ni D mula sa bibig nito mismo, pero alam niya ang kahulugan. Si Michael lang ang tanging may alam ng totoong kahulugan. Napalunok siyang nang sunod-sunod, pagkatapos ay tiningnan niya ang sariling mga kamay. Nanginginig iyon, pero buo na ang desisyon niya. “Tulungan mo akong makarating sa kinaroroonan nila Jia at Brent ngayon, D.” Wala siyang narinig na salita mula rito. Pumikit siya, at pagdilat niya ay ganoon na lang ang pagkamangha niya. NAPATINGIN si Jia sa mga naiwan na mga tauhan. Hindi ito katulad ni Boboy. Kaya niyang lampasuhin ang mga ito. Kaya niyang iligtas ang kapatid niya sa tiyak na kapahamakan. Kahit hindi siya makaligtas, okay lang sa kaniya.

