CHAPTER 24: RIK SANDOVAL

1063 Words

Napabalikwas ng bangon si Jia kasabay ng pagtingin sa paligid niya. Inilibot niya ang paningin. Puting dingding, puting kisame, may kurtinang puti, malinis ang paligid, at sa tabi niya kung nasaan ang bedside table ay may fruit basket. Napatingin siya sa kamay niya, may dextrose iyon, at sa isang kamay niya naman ay may nakatusok na krayom kung saan dumadaan ang isinaling dugo sa kaniya.  Napahawak siya sa ulo niya.  Ano ang nangyari? tanong niya sa sarili niya dahil parang isang taon ang ginugol niya sa pagtulog.  Gustong may maalala ang utak niya pero tila may pumipigil niyon. Napaiyak siya. Ang lungkot na nararamdaman niya sa puso niya ngayon ay walang katumbas. Malungkot siya pero hindi niya alam ang dahilan.  Ano nga ba talaga ang nangyayari?! Bakit wala akong maalala?! Gusto ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD