CHAPTER 34: DOUBT

1060 Words

“Ano ang nangyari?” Mula sa ingay ng kalansingan ng kutsara at tinidor ay natigilan si Michael at Brent sa pagsubo. Sabay pa silang napatingin sa isa’t isa bago napatingin kay Jia na tila walang pakialam sa reaksiyon nila.  Ang totoo ay napag-usapan nilang dalawa na kailangan na makalimutan ni Jia ang nangyaring pagtambang sa kanila, pero sa huli ay ang alaala lang tungkol sa mga tumutulong sa kanilang hindi mga tao ang binura nila. Matapang si Jia at alam nila iyon, pero ibang usapan na ang tungkol sa pagkakaalam nito sa itinatago nilang sekreto. Lalo pa at hindi matawaran ang reaksiyon nito kanina habang pinagmamasdan ang anghel at demonyo na nasa likod nilang dalawa ng kapatid nito mb “May nahuli ba sa nga nagwalang-hiya sa atin?”  “Wala pa,” halos sabay pa nilang sagot ni Brent. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD