Alas siete pa lang ng umaga ay handa na si Michael at si Brent sa pagpunta nila sa kompanya ni Michael. Nakaplano na ang lahat ng gagawin nila kagabi pa. Hangga’t maaari ay gusto nilang maging payapa ang araw na ito kaya kahit na ano pa ang mangyari ay hahabaan nila ang pasensiya nila. Ngayon ay nakatayo si Michael sa harapan ng malaking salamin. Sinisipat niya ang sarili niya. Tinitingnan niya kung wala bang mali sa kulay itim na suit niya. Ang buhok niyang may kahabaan na ay itinali niya na lang sa likuran. Hindi naman iyon naging sagabal upang maging lalaking-lalaki siyang tingnan. Ang nakikita niya ngayon ay ibang-iba sa Michael na nakasanayan ng karamihan. Si Michael kasi ang tipo ng lalaki na mahilig magsuot ng kulay itim na damit, hindi katulad niya ngayon na walang bakas ng iba

