CHAPTER 9: BRENT

2220 Words
“Narinig ko ang balak na pagpatay sa iyo...” Mang Jun paused as if the guard was thinking about what to tell his former boss. Pumikit ang guard at pilit inaalala ang nangyari nang oras na iyon. Pilit nitong inaalala kung kanino nga ba ang boses na narinig. Nang mapatingin siya sa labas ng pinto ay doon niya lang nahinuha kung kanino nga ba ang boses na narinig niya. “Si Sir Freddie. Tiyak ako roon. Sigurado akong kay Sir Freddie ang boses na narinig ko.” Halos mapaangat pa sa inuupuan ang guard dahil kahit papaano ay bumilib ito sa talas ng sariling memorya. Napaso pa ito sa mainit na kape na natapon sa hita dahil sa pagpadyak ng mga paa. Pero ganoon pa man ay hindi nito alintana ang hapdi na hatid ng mainit na kape sa balat. Dahil ang mas mabuting gawin sa oras na iyon ay sabihin ang mga naaalala para man lang kahit papaano ay makatulong sa binatang nakaranas ng pagtatraydor. Pero ang saya at excitement na nadarama ay nawala nang maalala nito na ang boses lang ni Freddie ang narinig noong mga oras na iyon. Bumuntonghininga ang guard kasabay ng pag-iling. Nahulog pa ito sa malalim na pag-iisip kasabay ng pagtingin sa kape na inilapag na pala nito sa lamesa na hindi man lang namalayan. Bagsak ang balikat ni Mang nang muling magsalita. “Hindi ko pala nakalimutan kung sino ang kausap ni Sir Freddie ng mga oras na iyon, dahil wala naman talaga pala akong narinig na boses ng iba.” Mataman lang na pinagmamasdan ni Michael ang bawat kilos ni Mang Jun. Michael never doubted anyone before. Kaya nga hindi niya naisip na may tatraydor sa kanya at sariling kaibigan pa. Dahil kung ano ang ipinapakita ng mga tao sa kanya, iyon ang pinaniniwalaan niya. He believed that everyone was kind enough. Sa nakikita niya sa guard, alam niyang hindi ito nagsisinungaling. Nababasa niya sa mga mata nito na gusto talaga siya nitong tulungan. “Baka sa nasa cell phone ang kausap niya nang mga oras na iyon kaya hindi ninyo narinig ang boses ng kausap niya,” saad niya sa kausap. Humigop muna si Michael ng kape bago ito inilapag sa lamesa na nasa harap niya. Wala na siyang balak inumin ang kape dahil hindi niya rin naman iyon malasahan. Sumandal siya sa inuupuan at sinabi ang gusto niyang mangyari. “Hindi ho ba at kakilala ninyo si Brent?” “Si Sir Brent ba kamo? Iyon bang head ng maintenance?” Tumango siya bilang sagot. “Oo, hijo. Mabait ang batang iyon kaya kahit papaano ay nakakausap ko kapag dumadaan sa pwesto ko. Ano ba ang gusto mong gawin ko?” “Itanong ninyo bukas kung tatanggap sila ng bagong janitor. Kailangan kong makapasok ulit sa kompanya na pinaghirapan ko. Kailangan kong malaman ang mga kilos nila para makagawa ako ng hakbang para malaman ko kung sino ang pumatay sa akin. Wala na akong sapat na panahon para gawin iyon, Mang Jun. Kahit sabihin na nakapatay ako ngayon ay ayoko pa ring mas ibaon ang sarili ko sa impyerno na kinaroroonan ko.” Desperado man siya ay ayaw niya pa ring magpadalos-dalos. Paano kung ang sinaktan niya ay hindi pala isa sa mga pumatay sa kanya. Ano ang gagawin niya? Besides, he wants to know the truth behind the betrayal. Sa ngayon, hangga’t maaari, ay gusto niyang gamitin ang utak niya para magawa ang unang hakbang sa paghihiganti. Buo na sa isipan niya ang gagawin. Ang kailangan lang ay makapasok siya sa dati niyang teritoryo. Magiging madali sa kanya ang itago ang katauhan niya kapag naroon na siya sa loob. “Sige. Kakausapin ko si Sir Brent bukas. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita sa mga plano mo, para makabawi man lang ako sa kabutihan na ipinakita mo, hindi lang sa akin, kundi sa iba pang maliliit na empleyado.” * * * * * * * * Alas-tres na ay nanatili pa ring gising may-edad nang guard. Nakatingin ito sa yerong bubong na halos maging kulay pula na dahil sa pagkulapol ng kalawang dito. Malalim ang iniisip niya maging ang paghinga niya. Alam niyang delikado ang pagtulong niya kay Michael, pero may mas delikado pa ba sa tangkang pagpatak sa kanya. Galit siya, pero hanggang doon lang ang kaya niyang gawin. Wala siyang pera para umupa ng mga tauhan para manakit sa mga nagtangka sa buhay niya, hindi katulad ni Freddie na hindi man lang nagdalawang-isip na ipapatay siya. Batid ni Mang Jun na may mas makapangyarihan pang tao ang nasa likod ni Freddie kaya alam niyang hindi pa rito nagtatapos ang pagbabanta sa buhay niya. May palagay siyang alam na ng kung sino na may narinig siyang hindi dapat marinig ng isang katulad niya, at iyon nga ang naging usapan ni Freddie at ng kung sino man sa cell phone nito. Kaya nga bukod sa utang na loob niya kay Michael—kaya niya tinulungan ito—ay ito rin ang paraan niya para kahit papaano, kung sakaling may mangyari sa kanya ay nakagawa man lang siya ng mabuting bagay bago siya mawala. Ano ba itong iniisip ko? tanong niya pa sa sarili kasabay ng malalim na buntonghininga. Naaalala niya na naman tuloy na binantayan pa siya nu Freddie noong nangyari ang interview sa kanya ng isang bias media. Tiningnan niya si Michael na nakahiga sa sofa. Matangkad ang binata at maliit lang ang upuang kawayan kaya naman halos mamaluktot ito para pagkasyahin ang sarili sa upuan. Nahahabag siya rito, dahil sa kabila ng hirap nito para lang mapalago ang negosyo na iniingatan ay sa ganitong pamumuhay ito bumagsak. Oo aaminin niyang natakot siya noong unang makita niya ito lalo pa at nakita niya nang ilibing ito. Inisip niya pang may sa demonyo ang binatang negosyante kaya ito nabuhay muli. Pero nang maalala niya ang ginawa nitong pagliligtas sa kaniya kanina ay nawala na lang bigla ang takot niya rito. Kaya siya na mismo ang nag-udyok sa binata na pumasok ito sa bahay niya. Pasalamat na lang talaga siya at pinauwi niya ang mag-anak niya sa probinsiya nila. Ginamit niya ang malaking pera na ibinayad sa kanya ni Freddie para magsinungaling sa harapan ng camera. At kung tatanungin kung bakit pa siya nanatili sa lugar na ito ay hindi niya rin alam ang sagot. Pakiramdam niya kasi ay may pumipigil sa kanya na umalis siya. At ang amo siguro ang dahilan kung bakit narito pa rin siya sa iskwater na kinaroroonan niya. Bukas ay gagawin niya ang ipinapagawa sa kanya ni Michael, at iyon ay ang kausapin si Brent para maipasok si Michael sa maintenance department bilang isang janitor. Nang tanungin niya ito kung bakit janitor ang gusto nitong pasukan, ang sagot lang nito ay. . . “Mas magiging madali sa akin ang pasukin ang opisina ko kapag nag-janitor ako.” Hindi nita ito maintindihan, pero hindi na rin siya nagtanong tungkol sa plano nito. Gagawin niya na lang ang parte niya para matulungan ito. Dahil hindi na makatulog at tumayo na lang siya at nagkape. Nagbasa rin siya ng Biblia para kumalma siya. Ang mga salita ng Diyos ang naging takbuhan nilang mag-anak kapag nahihirapan sila sa buhay. Relihiyoso siyang tao kaya naman naniniwala rin siya sa nga kalaban ng Diyos at iyon ang mga demonyo. Nakaramdam ng pangangatog sa katawan si Mang Jun nang tumingin kay Michael. Hindi niya maipaliwanag ang hangin na kahit ang buto niya ay kinayang abutin. Nang lumiwanag ang paligid ay saka lang siya lumabas ng bahay niya. Malungkot na napangiti si Mang Jun dahil sa katahimikan na sumalubong sa kanya. Hindi siya sanay sa mga kapitbahay niya na kahit sa iskwater lang nakatira ay alam ang kalinisan sa paligid. Wala na ang mga babaeng nagwawalis sa tapat ng bahay ng mga ito kapag ganitong oras. Tahimik ang kabuuan ng lugar na kinatatayuan ng mga maliliit nilang bahay. Walang bumabati sa kanya. Wala na rito ang mga kapitbahay niya. Marahil ay alumipat na ang mga ito sa magandang bahay gamit ang perang ibinayad ng mga taong halang ang kaluluwa. Napatingin siya sa gawi kung saan niya nakita ang mga sasakyan na ginamit ng mga nanakit sa kanya kagabi. Wala na ito roon. Marahil ay ginamitan ng itim na mahika ng amo niyang natutulog sa loob ng bahay niya kaya naging maaliwas ulit ang paligid na nakasanayan niya. Katulad ng nakagawian ay nagwalis siya sa bakuran niya. Pagkatapos niyon ay saka siya nagluto ng agahan nilang dalawa ni Michael. Nang makaluto ay inaya niya ang binata para mag-agahan na. Nagbukas siya ng de-lata para ulam nila sa agahan. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang mapansin ang binata na hindi man lang ginagalaw ang hinain niyang pagkain na nasa harapan nito. “Hindi ka ba kumakain ng sardinas at corned beef, hijo?” Napatingin sa kanya ang binata, ang mga mata nito na sa tingin niya ay hinahangaan ng mga kababaihan dahil sa angking ganda. Bilog ang hugis ng mga mata nito na may kalaliman. Mahahaba at makapal ang pilik-mata nito kaya maiinggit ang sino mang babae dahil sa pagiging natural na maganda ng mga pilik nito. Makapal ang kilay nito na inayuanan ng kulay uwak na mga nito. “Hin—” Napatingin sa kanya ang binata at tila ba nahiya nang sabihin ang nais nitong ipaalam sa kanya. Imbes na magsalita ito ay kinuha na lang ang kutsara at nagsimulang sumubo ng pagkain. Nang sumapit ang alas-siete ay nagpaalam na siya rito. Suot ang kupas na pants bilang uniform niya bilang security guard, na pinaresan ng kupasin na ring plain T-shirt ay sumakay siya ng dyip para marating ang pinagtatrabahuan na kompanya. Dahil sa traffic ay inabot siya ng halos isang oras sa biyahe. Saktong pagbaba niya sa harap ng building na kinaroroonan niya ay natanaw niya si Brent na nasa gate at nakatingin sa kanya. Seryoso ang mukha nito kaya kahit hindi sinasadya ay nakaramdam siya ng pangangatog sa katawan. Paano niya kakausapin ang lalaki kapag ganito ang estado ng sarili niya? Baka kapag kinausap niya ito ay masabi niya ang sekreto niya. Gusto niyang tumakbo palayo rito, subalit tila napagkit na ang paa niya sa kinatatayuan. Ang takot na bumalot sa sistema niya ay napalitan ng ginhawa nang ngumiti ang binata nang makita siya. Naglakad pa ito papunta sa kanya at sinalubong siya. “Mabuti at narito na kayo, Mang Jun...” “H-ha? B-bakit, S-sir Brent? May g-ginawa ba akong k-kasalanan?” Kahit ano ang gawin niyang pagkontrol sa sarili niya ay hindi niya naiwasan ang mataranta dahil sa narinig sa binata. Mukha kasing inaabangan talaga siya nito. Natawa ang binata. Inakbayan siya nito at sabay silang naglakad papasok sa premises ng building. “Takot na takot po yata kayo, ah? Naku, nasobrahan na yata kayo ng kape. Huwag ka hong mag-alala dahil wala kang ginawang mali. Naalala ko kasing may anak kang binata, hindi ba?” Tumango siya bilang sagot. “Ayon, sakto dahil naghahanap ako ng taong puwedeng pumalit kay Hupert. Ikaw ang naisip ko kaagad, dahil sabi mo nga ay may binata kang anak.” Inalala ni Mang Jun kung sino ang tinutukoy nitong Hupert. Napatango siya nang maalala kung sino ito. Si Hupert ay ang janitor na malaki ang katawan na mapapagkamalan pang tambay sa gym at mabibigat ang parating hawak kaysa sa mop na gamit nito sa paglilinis. “Ibig sabihin ay janitor ang papasukan ng anak ko?” Doon lang ang tanong niya. Ayaw niya nang ibuka ang bibig niya hangga’t maaari dahil baka magtuloy-tuloy iyon sa pagsasalita at magkamali siya. Mahirap na. “Oo. Hindi ko nga alam kung bakit biglang umalis ang isang iyon sa pagiging janitor. Hindi kaagad nagsabi kaya hindi ako nakahanap ng kapalit nito. Kinausap na kita para naman may makatulong ka sa inyo na magtrabaho. Nasa sa iyo pa rin ho iyon kung papayag—” “Sige ho. Pero pamangkin ko ang ipapasok ko bilang janitor,” agad ba tugon niya rito. Kailangan niyang sunggaban ang iportunidad na nasa harapan niya. Sino nga ba ang mag-aakala na magiging ganito kadali ang pagpasok ng binatang tinutulungan niya sa sarili nitong kompanya? “Kahit sino sa kanila, Mang Jun, ang importante ay may papalit lang kay Hupert.” Tinapik siya nito sa balikat. “Oh, siya sige. Bukas na bukas din ay dalhin mo rito ang pamangkin mo. Magdala kamo ng résumé dahil iyon lang ang hihingiin ko sa kanya.” Dumukot ito ng pera sa bulsa at inabot sa kanya. Nagtataka niyang tiningnan ang ilang lilibuhin na inaabot sa kanya. “Ano ho ito?” “Tanggapin mo na, Mang Jun. Pasasalamat ko na lang iyan dahil na-lessen ang trabaho ko sa paghahanap ng aplikante. Umuwi na rin muna kayo ngayon at i-enjoy ang araw na ito. Bukas na kayo bumalik kasama ng pamangkin mo.” Dahil nakatanga lang siya sa pera ay ang binata na mismo ang naglagay ng pera sa kamay niya. “Umuwi na ho kayo para nakapagpahinga. Nangangalumata ka pa naman.” Tumango na lang siya at tila de-susi na tumalikod sa kausap. Pumara pa siya ng taxi para iyon ang maghatid sa kanya sa bahay niya. Dahil wala sa sarili si Mang Jun ay hindi niya na napansin ang expression ng mukha ni Brent habang nakatingin sa likuran niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD