CHAPTER 8: A CUP OF COFFEE

1178 Words
Mas lalong napasiksik ang kawawang guard dahil sa sinabi ni Michael. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Mukhang mas natakot ito sa kaalaman na sinaksak siya at hindi nagbigti. Mukhang rumihestro na sa utak ng matanda na ang kaharap nito ay patay na. Napailing si Michael. Hindi niya intensyon ang takutin ito, pero iyon ang nangyari. “Hindi ko kayo sasaktan, Mang Jun. Ako pa nga ang tumulong sa iyo para—” “Kung s-sino ka mang d-demonyo ka, u-umalis ka n-na!!!” sigaw nito dahilan para hindi niya matapos ang sasabihin niya. “H-huwag na n-ninyo akong g-gulihin! G-ginawa k-ko na ang pinag-uutos ninyo, kaya a-ano pa ba ang kailangan ninyo s-sa akin!!!” Naihilamos ng guard ang mga kamay niya sa mukha. Mukhang hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyayari. Naaawa si Michael sa matanda. Kung titingnan niya kasi ay tahimik ang buhay nito at simple lang, pero mukhang may alam ito sa nangyari sa kanya kaya ito pinagtanggkaan na patayin. Napaluhod ang guard, kasabay ng paghagulhol nito. Nagpatirapa pa ito sa sahig na animo’y wala nang bukas na darating. “G-ginawa ko l-lang ang sinabi n-nila Sir Freddie.” Nila? Sino sila? Gusto man niyang magtanong pero naumid ang dila niya. “H-hindi ko a-alam kung kunsensya kaya k-kita nakikita o mi-minumulto m-mo ako d-dahil sa perang tinanggap k-ko galing kila Sir Freddie.” Habang nagsasalita ito ay umiiyak din ito. “A-ayoko n-na. Tama na. K-kung ano man ang n-nagawa ko, pinagsisihan ko na.” Tumayo si Michael. He didn’t want to bother him anymore. Maghahanap na lang siya ng ibang taong tutulong sa kanya. Coming here was a big mistake— “You did a great job when you came here. You saved him from those guy,” anang nilalang na kasa-kasama niya kung saan ay siya lang ang nakakarinig. Tumayo si Michael. Handa na siyang umalis nang magsalita ulit ang matanda. “B-bakit ka n-nandito, Michael?” Sa tanong na iyon ay nagkaroon siya ng pag-asa na magagawa niya ang plano niya. Walang paligoy-ligoy niyang sinagot ang tanong nito. “Gusto kong pasukin ang kompanya na ako mismo ang nagtayo. Dugo at pawis ang pinuhunan ko roon, kaya walang sino man ang may karapatan na angkinin ang bagay na pinaghirapan ko.” Matagal namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Tumayo ang matanda at nagpahid ng luha. Dahil nasa bandang pintuan nakapuwesto si Michael ay nakita niya ang pagliyab ng mga pinatay niya sa labas. Akala niya ay babaho pa ang mga iyon doon at uorin. Tumayo si Michael at lumabas. Naglakad siya sa iisang direksyon—sa kotse na ginamit ni Freddie kanina. Sigurado siyang may pera sa sasakyan, kaya naman binuksan niya ang kotse na siyang ginamit mismo ni Freddie. Pagbukas niya ay tumambad sa kanya ang attaché case na kulay puti. Binuksan niya ang attaché case at tumambad sa paningin niya ang naka-pile pang pera na tiglilibuhin. Napangisi siya. Sa tingin niya ay hindi na siya mahihirapan na ayusin ang buhay niya ngayong may limpak-limpak na pera sa harapan niya. Kumuha siya ng isang bungkos na pera, pero ganoon na lang ang gulat niya nang lumiyab ito sa mismong kamay niya. Ang kaninang bago at mabangong pera ay naging abo na lang. “You’re bound with the contract, Michael. Make a wish and I can give you all the wealth in this world.” Natawa siya sa narinig, hindi dahil natutuwa siya, kundi dahil naiinis siya. Bakit niya nga nakalimutan ang kontrata nila ng nilalang sa itim na bulaklak? Kung tutuusin ay puwede niyang makamit lahat ng gusto niya sa oras na gamitin niya ang privilege na ibinigay ng demonyo sa kanya. At iyon nga ay puwede siyang humiling ng dalawang beses dito. But Michael has no plan on using those two wishes. Kaya niyang dumaan sa hirap, isa pa, may plano na siya. Umiling si Michael. “You can have all that,” saad niya bago tinalikuran ang perang nasa loob ng sasakyan. Naglakad siya pabalik sa bahay ng guard, pero natigilan siya nang makita ang may-edad nang matanda na nakatayo sa may pinto habang nakahawak ng dalawang tasa. Mula sa kinaroroonan niya ay kita niya ang usok na galing pa init na hatid ng kapeng nakatimpla. Amoy na amoy niya ang aroma ng kape kaya hindi siya maaaring magkamali na kape nga laman niyon. “Ano ang nangyari sa iyo, hijo?” Malumanay at kalmado na ang boses nito, hindi katulad kanina na labis ang sindak at takot na nababasa niya rito. Humakbang si Michael palapit sa matanda, kaya naman inabot ni Mang Jun sa kanya ang isang tasang hawak nito. “Katulad ng sinabi ko sa inyo kanina, Mang Jun, pinatay ako. Pinatay ako sa sarili ko pang pamamahay...” Umiling si Mang Jun. “Tama ako.” Dahil sa sinabi ng matanda ay napatingin siya sa mukha nito. Sinalubong naman ni Mang Jun ng buong tapang ang mga mata niya. “Tama ako nang isipin ko na imposible na magpakamatay ka.” “Paano n’yo iyan nasabi?” “Pumasok muna tayo,” anyaya nito sa kanya bago ito nagpatiunang pumasok. Umupo ito sa bangko na hindi niya na malaman kung ano ang orihinal na kulay nito dahil sa kalumaan. Siya naman ay pumwesto sa upuan na gawa sa kawayan na siyang inupuan niya rito. Tiningnan niya ang kape na nasa loob ng tasa at nilaro-laro iyon. Hindi niya alintana ang init na hatid nito sa palad niya. Wala na siyang maramdaman, hindi katulad noon bago siya namatay. Ang matandang guard ay napatingin kay Michael. Sa ginagawa nito ngayon na paglalaro sa kape na nasa loob ng tasa ay masasabi niyang ito nga ang batang CEO na parating may nakahandang ngiti sa matataas at maliliit na empleyadong katulad niya. Ilang beses nila itong nakasama sa isang event sa building na pinagtatrabahuan niya dahil nagpapakain ito sa mga maliliit na empleyado ng kompanya katulad niya na guard,  at ng mga janitor. Malaki ang nautilong sa kanya ng binata kaya noong nabalitaan niyang nagpakamatay ito ay halos hindi niya na magawa ang trabaho. Nalugmok siya dahil sa lungkot na naramdaman. Kahit sabihin na mataas ang pagitan nito sa kanya ay itinuring niya itong anak lalo pa at wala itong pamilya. Nag-iisa lang ito sa buhay hindi katulad ng mga kaibigan nito. Naramdaman ni Michael ang emosyon ng matanda habang nakatingin sa kanya kaya minabuti niya na lang na magtanong dito. “Alam n’yo po ba ang dahilan kung bakit kayo pinuntahan at binalak patayin ni Freddie at ng mga tauhan nito?” Napatango ang guard. “Ang buong akala ko, kaya ako pinapapatay ay dahil halos sabihin ko sa media na hindi ako naniniwala na nagpakamatay ka. Pero naalala ko, bago ka patayin ay may narinig akong usapan sa ground floor.” Napakunot ang noo niya sa sinabi ng guard. Ground floor? “Ano ho ang nangyari? Ano ho ang narinig ninyo? Nakita ba ninyo kung sino ang nag-uusap?” sunod-sunod niyang tanong sa kausap. “Narinig ko ang balak na pagpatay sa iyo...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD