Death threats?
Michael used to it. Minsan pa, ang mga pagbabanta sa buhay niya ang siyang agahan niya.
Sanay siyang may nagbabanta sa buhay niya.
Ang hindi niya lang inaasahan ay isang kakilala at isang kaibigan pa ang isa sa dahilan kung bakit siya namatay. Isang taong nalugmok noon at tinulungan niya para ulit makabangon. Pero ito lang pala ang igaganti sa kanya.
Si Freddie.
Isang kaalyansa at itinuturing niya nang kapatid. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak dito para traydurin siya. Mabait siyang tao. In fact, hindi siya sanay sa gulo. Hangga’t maaari ay nireresolba niya ang problema nang maayos at hindi dinadaan sa init ng ulo. Kung may kasalanan at pagkakamali ang tauhan niya, pinapatawad niya at binibigyan ng isa pang pagkakataon.
If they need something, lalo na kapag pera, madali siyang nagbibigay dahil ang dahilan niya, madaling makita ang pera. At isa pa, malaki ang naging parte ng mga trabahante niya sa pagyaman niya. Kaya hindi niya lubos maisip na darating ang panahon papatayin siya.
Napangisi siya kasabay ng pagtagis ng mga bagang nang muling tumingin sa lalaking halata ang pangangatog nang makita siya. Sino nga ba naman ang hindi matatakot kung ang pinagplanuhan ninyong patayin ay nasa harapan mo, buhay na buhay at pinatay pa ang mga tauhan na kasama mo?
Humakbang si Michael papalapit kay Freddie. Mula sa ilang dipang layo niya sa traydor na kaibigan ay kita niya ang takot sa mga mata nito. Natuwa siya dahil sa nakita. He could smell the guiltiness all over his fvcking friend’s aura. But it’s not enough for him.
He wants to know what revenge is. At mas magiging madali sa kanya ang maghiganti lalo pa at mukhang lalaban si Freddie. Hindi nga siya nagkamali dahil kinuha nito ang baril sa kung saan at itinutok sa kanya.
“Papatayin kitang demonyo ka!!!” sigaw pa nito sabay paputok sa kanya.
Sunod-sunod ang ginawa nitong pagbaril sa gawi niya. Pero hindi siya nabahala. Nakikita niya ang balang papunta sa kanya kaya bakit siya matatakot?
Katulad kanina ay iniwasan niya lang ang bala na animo’y mga balahibo lang sa ere na umaalimbukay sa ere. And when he finally got bored by the scene ay isa pang ngisi ang pinakawalan niya sa kaibigan.
“Good bye, Freddie...” saad niya rito bago malakas na tumalon sa ere at sa paglapag ng mga paa ay sa mismong kotse pa nito—sa kung saan ito nakapuwesto.
“Demon—”
Ang sasabihin nito ay hindi na natuloy dahil humiwalay na ang ulo nito sa katawan nito.
Isang malamig na tingin ang ipinukol niya sa dating kaibigan bago siya bumaba sa kotse upang lapitan ang may edad nang guard. Nakahiga ito sa lupa at walang malay. And for him, that’s a good thing dahil hindi niya kailangan na magpaliwanag sa matanda kung ano ang nangyari ngayong gabi.
Tila isang sakong bigas na pinasan niya ang dating empleyado at ipinasok ito sa mismong barong-barong nito. Nakita niya ang abang pamumuhay nito sa loob kung saan ang nag-iisang gamit nito ay ang 12 inches na T.V na duda siya kung nagagamit ba nito.
Inihiga niya ang may edad nang guard sa punit-punit nang banig sa lapag, pagkatapos ay nagpunta siya sa kusina na ilang hakbang lang ang layo mula sa hinihigaan nito. Mabuti na lang at may kalan at gasul ito kaya nakapagpainit siya ng tubig. Nang kumulo ang tubig ay saka niya ibinuhos iyon sa maliit na batyang nakita niya. Sinalinan niya rin ng hindi mainit na tubig ang batya bago siya bumalik sa matandang nakahiga.
Umupo siya sa tabi nito para sana linisan ang mga sugat nito pero nakalimutan niyang wala pala siyang bimbong dala. Akma siyang tatayo nang matigilan siya. Napailing sabay tawa nang mahina.
“Why are you laughing, mortal?” Narinig niyang tanong ng nilalang na kasa-kasama niya.
“I thought, all the demons were ruthless, but I was wrong.” Kinuha niya ang kulay violet na bimpong nasa planggana at pinigaan. Sinimulan niyang punasan ang mga sugat ng matandang lalaki. “But here you are, you even provided me a towel.” Sa bawat paghaplos ng bimbo sa mga sugat ng matanda ay hindi na siya nagtaka na kusang gumagaling ang sugat na nadadantayan ng bimbo.
Nagawa nga siya nitong buhayin, hindi ba? Ito pa kayang pagalingin ang sugat ng matanda.
“Stop mocking me.” As usual, the demon’s voice was cold as ice. Wala siyang maramdaman na kahit katiting na damdamin sa boses nito.
“I am not mocking you. I am complimenting you.” It’s funny how he exchanged words to him, lalo pa at hindi niya ito nakikita. Siya lang din ang nakakarinig sa boses nito. Nanatili kasi itong nakakulong sa daffodil kung saan talaga ito naninirahan.
“It’s mockery.”
Bumuntonghininga si Michael. Ayaw niyang makipagtalo rito lalo pa at wala siyang alam tungkol sa mga demonyo. Hindi ba at takot na takot nga siya kapag may nakikita siyang demonyo sa panaginip niya?
But when he saw him, every speculations the he had ay biglang naglaho. Ang mga bagay na akala niya ay katangian ng isang demonyo ay hindi niya makita sa nilalang na tumulong sa kanya. Ang buong akala niya noon ay sungay at buntot ang mayroon sa mga demonyo, pero hindi niya nakita ang mga katangian na iyon sa kausap niya.
Hindi nga ba at may pakpak ito?
Pakpak na kulay itim at pula.
“Did you claim their lives?” Maging si Michael ay natigilan sa tanong niya. It’s so stupid of him to ask that.
But the way the demon answered his questions amused him. Who would have thought that the demon knows how to laugh?
“What do you think?” the demon asked.
As an answer, he shrugged his shoulders. “I don’t know, but I do believe that you have a heart compare to those who killed me.”
“Tell me that when you see me face to face.”
“I have already seen your face. I still know how you look like.”
“You do?”
“Hmm. It still clear to me as if it was my very first time to see sunlight after a long period of rain.”
The demon didn’t answer what he said, bagkus ay nagtanong ito dahilan para mahulog siya sa isang katanungan.
Ano nga ba ang gagawin niya ngayon?
Sigurado siyang ayaw niya pang humiling sa daffodil kahit pa sanay na siya sa presensiya ng demonyo sa paligid niya.
“I will figure it out,” sagot niya rito bago tiningnan ang matanda na kumilos mula sa pagkakahiga nito.
Walang balak tumakbo si Michael para magtago sa matanda kaya naman hinintay niyang tuluyang magmulat ang mga mata ng matanda. Inaasahan na ni Michael ang reaksiyon ng matanda kaya naman hindi na siya nagtaka nang sumigaw ito at nahihintakutan na lumayo sa kanya.
“Pa-pa-p-patay k-ka n-na, S-sir, ‘di ba? N-nagpunta p-pa ako s-sa libing m-mo!”
Tumayo muna si Michael bago tumango. Hindi muna siya sumagot dahil in-examine niya muna ang katawan nito na kanina lang ay puno ng sugat at pasa. Ngayon kung titingnan ay parang walang pananakit ang nangyari sa matanda.
Naglakad si Michael papunta sa sofa na kawayan. Kailangan niyang umupo dahil sa tangkad niya na 6'3" tall ay naaabot na ng ulo niya ang bubong na gawa sa pawid.
Tinapik-tapik ng matanda ang sarili nitong mukha kaya hindi napigilan ni Michael ang pagkurba ng labi dahil sa pagpipigil na ngumiti. Ang buong akala yata ng matanda ay nananaginip lang ito.
“Hindi ka nanaginip, Manong Guard,” saad niya rito unaware of his name. “Totoo ako na nasa harapan ninyo.”
Dahil sa sinabi niya ay mas dumikit ang likod nito sa dingding na kinasasandalan nito ng dahil sa takot.
“Hindi ko kayo sasaktan. Nandito ako para malaman ang alam mo. Nandito ako para humingi ng tulong mo.” Kailangan niyang kumbinsihin ang matanda sa gusto niyang mangyari. Handa siyang magsimula sa baba para lang mabawi ang kompanya na pag-aari niya.
He wants to claim what’s right for him, at magagawa niya lang iyon kapag napasok niya na ang building na siya mismo ang nagpatayo. Luha, pawis at dugo ang ipinuhunan niya para lang marating ang kinaroroonan niya bago siya patayin, kaya ngayong nabigyan siya ng pagkakataon ay gagawin niya ang lahat para makapaghiganti.
“Ano nga ba ang pangalan mo?” malumanay niyang tanong dito. Ayaw niyang takutin ito kaya hangga’t maari ay maganda ang approach niya sa matanda. He didn’t want cause health problem to him though he heard his heartbeats clearly.
“Ju-J-Jun... Ta-ta-tawagin m-mo a-akong Ma-Mang J-Jun...”
Isang pa ulit malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya dahil halos hindi niya na maintindihan ang sinasabi nito dahil sa takot.
“Kumalma po kayo, Mang Jun. Hindi ko kayo sasaktan katulad ng ginawa sa iyo ng mga tauhan ni Freddie. Nandito ako para humingi sa iyo ng tulong.” Hindi ito umimik. “Hindi ko kayo sasaktan,” saad niya ulit dito. “Hindi ako nagbigti...”
Tiningnan niya ang reaksiyon nito. Mukhang nakahinga ito nang maluwag dahil sa sinabi niya.
Ayaw sana niyang sabihin ang totoo rito, pero ayaw niyang maglihim sa taong hihingian niya ng tulong.
“Hind ako nagbigti dahil pinatay ako. Sinaksak ako at namatay sa sarili kong bahay, Mang Jun. Alam kong maiintindihan mo ako kung sasabihin ko sa iyong kailangan ko ng tulong mo.”