CHAPTER 6: BLOODY EVENING

1113 Words
Tatlong oras.  Tatlong oras ang nilakad niya pero ang nakapagtataka ay hindi siya nakaramdam ng pagod. Hindi man lang sumakit ang paa niya sa walang humpay na kalalakad para lang marating ang bahay ng guard na kakausapin niya.  Nang makarating siya malapit sa barong-barong kung saan ito nakatira ay dumistansiya muna siya. Pinagmasdan niya ang paligid. Pinakiramdaman niya ang loob ng bahay kung saan ito nakatira.  There’s no movement inside the guard’s house. Mga tulog na ito lalo pa at alas-dose na nang gabi—o mas dapat sabihin na tulog na ang nag-iisang tao sa loob ng bahay.  Nasaan kaya ang pamilya ng guard? nagtataka niyang tanong sa sarili dahil ang guard lang ang nararamdaman niya na nasa loob ng bahay. Inilibot ni Michael ang paningin sa paligid. Kahit sabihin na puros tagpi-tagpi lang ang bahay ng mga taong nakatira sa lugar na ito ay masasabi niyang malinis ang paligid. Wala siyang makitang kahit isang upos ng sigarilyo. Wala rin siyang maamoy na hindi kaaya-aya sa lugar.  Pero ang mas nakapagtataka ay wala rin siyang maramdaman na tao sa paligid maliban sa may edad nang guard sa natutulog na sa mga oras na ito. Nagmistulang abandonado ang lugar dahil wala na ang mga dating nakatira sa lugar na ito.  Ano ang nangyari? Mula sa pagkakatayo at pagmamasid sa paligid ay humakbang si Michael palapit sa bahay.  Pero ang paghakbang niya ay natigilan nang may marinig siyang boses sa paligid.  “Wait, Michael,” saad nito. Sa lalim pa lang ng timbre ng boses nito, alam niya na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. “Hide, and don’t move until I say so.” Huminto siya, at nagtago sa gitna ng dalawang barong-barong. Pakiramdam niya ay isang babala ang ipinahiwatig nito kaya kailangan niya iyong sundin kung ayaw niyang sa pangalawang pagkakataon ay mamatay ulit siya.  Ang iniisip niya na babala ang sinabi nito ay totoo, hindi nga siya nagkamali ng sapantaha dahil halos isang minuto pa lang ang nakararaan nang magtago siya ay may dumating na dalawang sasakyan sa tapat ng bahay ng guard. Isang 4 x 4 at isang kulay itim na van.  What the hell is this? Napakunot ang noo niya nang magsilabasan ang mga kalalakihan may dala pang mga baril. Naglakad ang mga bagong dating papunta sa bahay ng guard. Pero wala rito ang atensiyon, kundi naroon sa taong nasa loob ng van. Nag-iisa lang ang lalaki sa loob habang humihithit nilukot na papel na may mga mar!jiuna pa sa loob. Ang nakapagtataka at bakit nakikita niya ang ginagawa nito sa kabila ng highly tinted ang salamin ng sasakyan. But he can't figure our who is he, dahil malabo ang mukha nito at tila may nakaharang na manipis na tila na nagpipigil sa kanya para matunghayan ang mukha ng taong nagbigay ng kakaibang kulo sa dugo niya.  Nagagalit siya sa taong nasa loob. Naikuyom pa niya ang mga kamay dahil sa sobrang galit na namamayani sa pagkatao niya. Nakakabulag ang galit na iyon dahilan para hindi siya makapag-isip nang maayos.  “Who are you? Who the fvck are you?!”  Nangangati siyang malaman kung sino ang nasa loob ng van.  “Sino siya?” pagkausap niya sa demonyo na nananahanan sa loob ng bulaklak.  “Your first victim... He was one of those who planned to kill you. I need his soul, Michael. Offer me his soul tonight.” Matapos sabihin ng nilalang na tumulong sa kanya para mabuhay ang mga bagay na iyon ay lumitawa sa kamay niya ang isang double blade na punyal. Kuminang pa ito nang tamaan ng liwanag ng buwan.  The excitement filled his system. But Michael immediately lost his excitement when he heard the deafening shout from the guard's house. Kasabay noon ang pagmamakaawa ng guard sa buhay nito habang kinakaladkad palabas ng sarili nitong bahay.  Now, now he knew why this place had been abandoned. Pera ang dahilan. At ang dugo ng may edad nang guard ang binili ng mga taong nasa likod ng pagpatay sa kanya. Isa pang nakabibinging sigaw ang ginawa ng guard nang barilin ito sa binti ng lalaking pinakamalaki sa lahat.  Habang nanonood sa pananakit sa guard ay naalala niya ang ginawang pagkatay sa kanya. Bumalik sa kanya ang masakit na dinanas niya sa kamay ng taong hindi niya kilala.  Nagdilim ang paningin niya. Handa na siyang mabahiran ng dugo ang kamay niya.  Inayos ni Michael ang sumbrero sa ulo niya bago naglakad palabas sa pinagtataguan niya. Siniguro niyang hindi matatakpan ng sumbrero ang mukha niya. Kalmado siyang naglakad palapit sa mga ito na para bang namamasyal lang sa isang park sa Makati.  “Sino ka?!” sigaw ng isang tauhan sa kanya pero hindi na siya nag-abala pang magpakilala. “Huminto kung ayaw mong barilin k—”  Ang pagsasalita nito ay hindi natuloy nang ihagis niya sa gawi nito ang punyal na hawak nito. Sa lalamunan nito sumakto ang punyal na ibinato niya kaya sumirit ang masaganang dugo sa lalamunan nito kasabay ng pagbalong ng duho sa bunganga nito. Nangingisay itong bumagsak sa lupa.   “Putang ina!” mura ng iba kasabay ng pagpapaulan ng bala sa gawi niya.  Pero parang tila pagong sa bagal ang mga balang papunta sa gawi niya dahil nakikita niya at naiiwasan ang mga ito.  Ngumisi si Michael at tila ba bumagal ang pag-inog ng mundo nang makita niya ang balang papabulusok papunta sa gawi niya at puntirya ang noo niya. Swabe na iniwas niya ang ulo sa balang iyon kasabay ng pagtalon nang malakas sa ere. When he’s 3-meter above the ground ay saka niya pinaulanan ng hawak niyang mga tangkay ng rosas ang mga kalaban niya. Bumaon ang inihagis niyang tangkay sa noo at lalamunan ng mga kalaban at katulad ng biktima ng punyal na hawak niya kanina, ay nangingisay at bumubulwak ang dugo sa bibig ng bawat isa nang bumagsak ito sa lupa. Nang bumagsak ang mga paa niya sa lupa ay narinig niya ang pagmumura ng taong nasa loob ng sasakyan. Napangisi siya. Hindi niya inaasahan na ito ang isa sa likod ng pumatay sa kanya.  Pumulot siya ng baril at pinaulanan ng baril ang salamin ng sasakyan dahilan para magkabasag-basag iyon at makita ang taong nasa loob ng sasakyan.  Napangisi siya nang magtama ang mga nata nilang dalawa.  Tama nga na hindi lahat ng ahas ay gumagapang, dahil ang iba ay nasa tabi mo at naglalakad sa dalawang paa at kaibigan mo pa... Tinanggal niya ang sumbrero at inilantad ang mukha niya sa lalaki kaya ganoon na lang ang sindak na makikita sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.  “Kumusta ka na? Mukhang nagulat kita, ah...” sarkastiko niyang saad sa dating kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD