Gabi.
Nagpalakad-lakad si Michael hanggang sa makahanap siya puwede niyang matulugan ngayong gabi.
Ang plano niyang maghiganti ay mahirap pala. Hindi siya nabuhay sa kasamaan, kaya ngayon ay nahihirapan siya kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Nang magising siya sa tambak ng basura ay ang lakas ng loob niyang isipin na pumatay. Pero ngayon, isipin pa lang na mababahiran ng dugo ng iba ang kamay niya ay matinding kilabot na ang tumutulay sa katawan niya.
To kill? Nah. It’s not his forte. He didn’t even know how to kill a bug. Tao pa kaya? Nabuhay siya nang tapat hanggang sa yumaman siya, kaya ano ang alam niya sa pananakit ng iba?
Isang buntonghininga ang pinakawalan niya, kasabay ng pagtanaw sa langit. Sandali lang ang ginawa niyang pagtingin sa mga bituin. Naalala niya na naman kasi noong gabing pinatay siya.
Sino ba naman ang mag-aakala na sa kabila ng pagiging kalmado ng langit noong gabing iyon ay matatapos na lang basta ang buhay niya? Now, he hates that scenery. Lalo pa at nagpapaalala lang iyon ng masaklap na sinapit niya.
He died inside his territory. Hindi ba at kumuha pa siya ng private army para lang masiguro ang kaligtasan ng mga bisita niya. But the funny thing was, he died while those private army he hired was around his territory.
Kanina, nang mapadaan siya sa bentahan ng T.V ay nalaman niyang isang buwan na pala ang nakalilipas mula ng mamatay siya. Ipinakita pa sa balita ang kulay ng kabaong niya. It was pure white. Marahil ay ang kaibigan niyang si Jam ang pumili ng kabaong niya lalo pa at wala siyang kamag-anak na kakilala.
He wants to thank his best friend for giving him a decent funeral. At least, alam niyang naging maayos ang estado niya nang mamatay siya.
Michael laugh like he lost his sanity nang may maalala sa napanood niya kanina sa balita. Hanggang ngayon kasi ay parang usap-usapan pa rin ang pagkamatay niya.
Naalala niya ang interview ng isang reporter sa security guard niya.
“May natatandaan ba kayong kakaibang nangyari sa CEO ng kompanya bago siya mamatay?”
Kita niya mula sa T.V ang pagtingin ng guard sa kung saan. Para ba itong sumusunod sa utos mula sa kung sino man na hindi nahahagip ng camera.
“B-balisa po s-si Sir Michael, eh.” Nagpunas pa ito ng pawis at yumuko. “I-iyon lang po. P-pasensiya na a-at wala na po a-akong ibang masabi. Nalulungkot ako sa nangyari kay Sir lalo pa at naging mabait siya sa akin. Hindi ko lang matanggap na—”
Doon lang ang pinalabas sa balita. Hindi na kasi nito natapos ang sasabihin dahil ang mismong media na ang nag-cut sa interview.
That’s fvcking interesting, ey! saad ni Michael sa sarili kasabay ng pagkapa sa itim na daffodil na nasa bulsa niya.
Kakatwang hindi siya nakaramdam ng galit sa guard. Sabagay, nabasa kasi niya ang lungkot sa mga mata nito kanina habang nagsasalita.
Ganito yata pala ang pakiramdam ng isang namatay kapag may isa o dalawang malungkot sa lamay mo.
Matapos maisip ang guard ay si Daisy ang naalala niya. Isa ito sa na-interview. Girlfriend ito ni Jam at kahit nakakasama niya ito minsan sa gathering ay hindi niya ito ka-close. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit kumukulo ang dugo niya rito habang napapanood niya ito sa screen.
Then the media. Those behind the fvcking media.
Natatawa siya sa media, lalo pa at kilala niya nang personal ang guard kanina. Mabait ito, at may malaking pamilya. May prinsipyo ito kaya hindi niya sigurado kung may nagbayad dito para magsinungaling. Sabagay, nababayaran nga ang media, ang pobreng guard pa kaya na kailangan ng pera?
Ang hindi niya lang lubos maisip kung paano nasabi ng mga kasamahan niya na nagpatiwakal siya. Nagbigti raw siya sa mismong silid niya.
And base on what they said on the new, Michael died peacefully.
But how could he die peacefully. Alam niyang nakabuka ang bibig niya at puno ng sindak ang mga mata niya nang mamatay siya. Kaya hindi niya alam kung paanong namatay siya nang matiwasay?
At nagbigti, ha?
Eh, hindi ba at naligo siya sa sarili niyang dugo dahil sa pagsaksak sa kanya? How did he know? Of course, he saw his cold fvcking body on the floor.
Kinuha niya ang daffodil sa bulsa niya at tiningnan. “What is it that you want me to know, D?”
Ito ang unang pagkakataon na may ginamit siyang pangalan sa itim na bulaklak.
D.
D was not stand for Daffodil, instead, it’s stand for DEVIL or DEMON.
Tila ba narinig siya ng itim na bulaklak dahil may pumalibot na malamig na hangin sa katawan niya. But it didn’t even give him a chill.
2 wishes, ha?
“Ano ba ang hihilingin ko sa iyo, D? I should have to be careful specially that you’re a king of deceiver. Mahirap na. Baka hindi pa ako nakakapaghiganti ay dalhin mo na ako sa impyerno na kinabibilangan mo.”
Isinandal ni Michael ang likuran sa poste ng shed habang iniisip kung ano ang puwede niyang hilingin sa bulaklak kapag nagawa niya na ang unang hakbang niya.
Pero lumipas na lang ang oras ay wala siyang maisip.
Humikab siya. Pero hindi siya inaantok. Hindi rin siya nagugutom.
Wala siyang maramdaman. Kahit nga ang pagtibok ng puso niya ay hindi niya maramdaman, eh. Para siyang nilagyan ng anesthesia dahil sa sitwasyon niya.
Tumayo si Michael at naglakad.
Ngayon ay alam niya na kung saan siya pupunta. Tiyak ang mga hakbang niya habang iniisip kung ano ang gagawin kapag nakita niya ang taong pakay niya.
Ang nakakatuwa pa, bago siya mamatay ay hindi niya alam kung nasaan ang bahay ng taong pupuntahan niya. Pero ngayon ay tila isang painting sa harapan niya ang hitsura ng barong-barong na bahay nito.
Gusto niyang malaman dito kung ano ang nangyari sa loob ng araw na namatay siya.
Gusto niyang puntahan si Jam para dito humingi ng tulong. Pero ayaw niyang magulat ito, kaya saka na lang siguro. Ayon pa naman sa kaibigan niya ay may sakit ito sa puso. Ayaw niya namang mapahamak ito ng dahil sa kanya.