Am I in love with him? With Michael? Hindi agad nakasagot si Jia sa tanong na iyon ni Rik. Simple lang naman ang tanong sa kaniya ng lalaki, ang problema ay nahihirapan siyang sagutin iyon. Gosh! Nahihiya ba siya sa lalaki? Ano naman ang dahilan kung bakit kailangan niyang mahiya? Ang weird lang, ah. Pero nang tingnan niya ito ay nakatingin na ang lalaki sa kaniya kaya ganoon na lang ang pag-iwas niya ng tingin sabay kuha sa prutas na nasa bedside table niya. Dalawa ang kinuha niyang orange at inabot niya ang isa sa lalaki na agad naman nitong kinuha mula sa kamay niya. Ngunit nang magdaiti ang balat nilang dalawa ay may kung anong kuryente ang tumulay sa kamay niya. “Are you okay?” Nahalata siguro ng lalaki ang kakatwang ikinilos niya kaya nagtanong ito sa kaniya. “Ahh, yeah.

