Pabagsak na umupo si Michael sa sofa nang makarating sa bahay niya. Pagod na pagod siya.
Hindi na nga siya nakakain ng tanghalian, wala pa siyang ganang kumain ng hapunan. Masyadong nakakapagod ang nangyari sa araw na ito lalo sa katulad niyang hindi sanay sa ganitong klase ng gulo.
Sumandal siya sa kinauupuan at ipinatong ang ulo sa sandalan. At nang pumikit siya ay bumalik na naman sa alaala niya ang hitsura ni Ruby habang nakahandusay sa kalsada. Basag ang bungo nito at halos nag-360 degrees ang leeg na masyadong ipinagtataka ng mga pulis. Lasog-lasog din ang mga buto sa katawan nito kaya ganoon na lang hilakbot ng kung sino mang nakakita.
Pero bukod sa secretary niya ay ang isa pa sa bumabagabag sa kanya ay ang delivery boy na siyang lang ang nakakita.
Tama, siya lang ang nakakita nito—o baka si Ruby rin. Hindi niya sigurado sapagkat hindi niya na makakausap pa ang babae.
Pero malinaw sa kanya ang naging usapan ni Ruby at sa hindi nakikitang nilalang sa CCTV. Tinawag ni Ruby na SIR ang kausap.
Ang sabi naman sa kanya ng kaibigan ay baka nga ang mukha niya ang nakita ni Ruby sa CCTV bago ito namatay.
Nang tingnan naman nila ang oras kung saan may kausap siya na delivery boy na pinapasok daw ni Jam sa silid niya ay wala rin silang makita bukod sa kanya.
Maging ang mga pulis na nag-imbestiga ay napakamot na lang sa ulo dahil ito raw ang unang pagkakataon na maka-encounter sila ng ganito sitwasyon.
Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Hindi dapat siya matakot. Hindi dapat siya nagkakaganito. Wala siyang dapat ipag-alala dahil hindi siya nagbenta ng kaluluwa para lang yumaman. Malinis ang kunsensya niya.
Tumayo ang binata at naglakad papunta sa kwarto niya. Nag-iisa lang siya sa condo unit na tinitirahan niya kaya walang magsisilbi sa kanya.
Bubuksan niya na sana ang pinto ng kwarto nang tumunog ang phone niya. Si Jam tumatawag.
“Pare, kumusta? Nakauwi ka na ba?” tanong nito sa kanya.
“Yeah. Kauuwi ko lang.”
“Don’t worry about it, Mike, okay? We’re all here for you. Wala kang dapat alalahanin dahil alam ng lahat na wala kang kasalanan.”
Napabuntonghininga ang binata. Wala nga ba? Hindi niya na rin alam ang sagot doon. Sa tingin niya ay nadamay ang babae sa kamalasan niya.
“Thank you.”
“Siya nga pala, Mike, ano na ang plano mo tungkol sa party na pinaghandaan mo? Tuloy ba?”
“Iyon nga ang iniisip ko, eh. Nagdalawang-isip akong hindi na lang ituloy, pero na-distribute na ang mga invitation card. Ayokong maging dahilan ang nangyaring ito para hindi matuloy ang matagal ko nang pinaghandaan.”
Two weeks later...
“That’s a lovely brooch, hijo...” Ang tinutukoy ng kausap ay ang pamana pa sa kanya ng lola niya na gawa sa bato na brooch. He pinned it to his breast pocket.
Kausap ni Michael ang senator na isa ring businessman. Nasa lawn sila ng mansiyon niya kung saan ginaganap ang party niya. Ang party ay para i-celebrate ang pagiging top businessman niya sa buong Asya. Malaking karangalan na makilala siya hindi lang sa bansa kundi sa ibang bansa rin. Maging ang Spectre Elite Magazine na isang tanyag na naka-base sa New York ay ginawa siyang cover ng latest magazine ng mga ito.
Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng senador nang mamatay lahat ng ilaw kaya nagpaalam na muna siya rito. Wala siyang mahagilap na katulong kaya siya na mismo ang pumasok sa loob ng bahay. Mabuti na nga lang ay naging mahinahon ang mga bisita niya sa kabila ng biglaang pagkawala ng kuryente. Bilog din kasi ang buwan kaya hindi gaanong madilim ang paligid.
Papunta na siya sa power source nang may mahagip ang mga mata niyang bulto ng tao na paakyat sa hagdan.
“Who are you?” tanong niya rito pero hindi man lang nag-abalang tumigil. Mas binilisan pa nito ang pag-akyat sa taas kung nasaan ang silid niya.
Dahil wala nang panahon para magtawag ng security guard ay minabuti na lang ng binata na siya na ang sumunod dito. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakita niyang nakatayo sa labas ng kwarto niya ang bulto na para bang hinihintay nitong makita niya ito.
Nang masiguro na nakita niya ang lalaki ay pumasok ito sa loob ng kwarto niya. Iniwan pa nitong nakaawang ang pinto kaya patakbo siyang lumapit sa sariling silid na hindi man lang naisip ang kaligtasan.
Pero ang ginawa niya ay isang malaking pagkakamali!
Dahil nang tumapak pa lang ang mga paa niya sa loob ng madilim na kwarto ay sumalubong na sa kanyang dibdib ang malamig na bagay. Napaigik siya nang maramdaman ang sakit na hatid ng punyal sa dibdib niya.
He gasped when his perpetrator twisted the knife inside his chest! Ramdam niya ang galit ng hindi makilalang tao dahil sa ginawa nito sa kanya...
Humangos siya!
At nang walang babalang hugutin ng tao ang punyal sa dibdib niya ay napabuga siya ng hininga kasabay ng pagbulwak ng masaganang dugo sa sugat niya! Napaubo siya kaya nagtalsikan ang dugo sa bibig ng binata.
Pabagsak na si Michael nang hawakan siya ng tao sa buhok niya at isang unday pa ang ginawa sa batok niya bago ito tuluyan na umalis.
Nangingisay pang bumagsak si Michael sa sahig habang nakahawak ang kamay na duguan sa dibdib...
Sa naghihingalong kalagayan ay may narinig na boses ang binata kasabay ng pagliwanag ng brooch sa dibdib niya. Ang brooch na nabahiran ng dugo niya.
H-help m-me... saad ng utak niya nang may maaninag na hindi maipaliwanag na wangis na nakatayo sa harapan niya. Ang nasa harapan niya ay katulad ng nasa panaginip niya. It’s like a mirage, it’s like a smoke, it’s like an angel—
No! It’s not an angel!
It’s a—
Demon!
Hindi nagsalita ang nasa harapan niya. Pero kumilos ito...
Kumilos ito papunta sa kanya...
At bago malagutan ng buhay ay naramdaman niya ang matinding lamig na tumulay sa mga natamo niyang sugat...