Ilang beses sinipat ni Brent ang résumé ng pamangkin ni Mang Jun na si Mike para makasigurado lang sa nakikita niya—o mas tamang sabihin na malabo pa rin talaga ang mukha sa ID nito.
Inilapag niya ang résumé sa ibabaw ng lamesa at napakamot sa ulo. Sumasakit ang ulo niya. Wala pa mang alas-nueve ay kung ano-ano na ang nararanasan niya.
At ng dahil lang iyon sa iisang tao.
Nang may kumatok ay napatingin siya sa pinto na para bang nakikita niya ang tao sa labas. Inayos niya na muna ang sarili niya bago siya nagsalita.
“Come in,” aniya sa paos na boses.
Nang pumihit ang seradura at bumukas ang pinto ay nagulat pa siya sa nakita. Ngayon niya lang kasi ito nakita sa opisina niya.
Tumayo siya upang magbigay galang dito.
“Good morning, Ma’am Ledesma...” pagbibigay galang niya rito. Tumango lang ito sa kanya bago patuloy na naglakad sa lamesa niya.
Si Aera Ledesma ay isa sa stockholder ng kompanya ni Michael. Kaibigan din ito ng kaibigan na nasawi. Pero hindi niya mga kaibigan ang mga ito. Si Michael lang talaga ang kaibigan niya. Hindi rin kasi siya mahilig makisalamuha sa mga ito lalo pa at ang mga elite na katulad ni Jam, Freddie, Aera, at iba pang kaibigan ni Michael gumagawa ng harang sa pagitan ng mga ito at nilang hindi nakakaangat. Kaya nga nagtataka siya kung ano ang ginagawa ng babae ngayon sa opisina niya.
In her late 30‘s, ay malayo na ang narating nito lalo pa at ipinanganak talaga itong may gintong kutsara sa bibig. Nasa babae na ang lahat, kayamanan, koneksyon, katalinuhan, and Aera is beautiful too.
Hindi niya naiwasan ang sundan ito ng tingin nang pumunta ito sa bintana. Mula sa mamahalin nitong cigarette case ay kumuha ito ng isang stick at sinindihan gamit ang mamahalin nitong lighter. Humarap ito sa kanya, pero hindi siya nag-iwas ng tingin.
“Do you smoke?” Umiling si Brent bilang sagot. “That’s good for you then.” Aera crossed her left arm, habang ang isang kamay na may hawak na sigarilyo ay nakapatong sa bisig nito. Humithit-buga ito at nilaro-laro ang usok na lumalabas sa bibig.
Gusto man niyang magtanong sa babae kung ano ang ginagawa nito sa opisina niya pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang maging maingat, at hanggang maaari ay makisama sa mga ito. Hindi siya takot matanggal sa trabaho niya. Ang ikinatatakot niya ay ang mapaalis sa lugar na ito nang hindi niya nalalaman ang totoong nangyari sa kaibigan.
“Can I open the window? Para hindi kita ma-suffocate sa usok ko.”
Tumango siya bilang sagot, sabay tingin sa relo. Malapit nang mag-alas-otso kaya alam niyang paakyat na sila Mang Jun.
Nang bumukas ang bintana at pumasok ang hangin ay ganoon na lang ang pagkalukot ng ilong niya dahil sa amoy na dala ng hangin.
Ang hangin na nagmumula sa gawi ni Aera ay mabaho dahil amoy ito ng nabubulok na karne!
Nagtataka siya kung bakit ganito ang amoy nito dahil may iilang beses niya na rin kasi itong nakasalubong noon. He knows that the woman's perfume is expensive kaya hindi niya alam kung bakit mabaho ang naaamoy niya rito.
Para matakasan ang nakasusulasok na amoy nito ay tumayo si Brent at naglakad sa kanang bahagi ng opisina niya at binuksan doon ang bintana. Laking ginhawa ang naramdaman niya nang malanghap niya ang sariwang hangin.
“Alam kong nagtataka ka kung bakit ako narito sa opisina mo ngayon, kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kahapon ay napag-usapan namin ang tungkol sa kalagayan mo, Brent.”
Kumunot ang noo niya dahil sa narinig, but Brent remained silent. Gusto niyang marinig dito mismo ang gusto nitong sabihin.
“Naaalala mo pa naman si Ruby, hindi ba?” Tumango ulit siya na para bang naumid na ang dila niya. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit ito itinanong ng babae sa kanya. “We have a feeling that Michael did something to her kaya siya nawala sa katinuan.”
Biglaan ang naging paglingon niya sa babae dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit nito sinasabi ang bagay na iyon gayong may hinuha siya na alam na nito na hindi siya maniniwala sa kung ano man ang ilalabas nito sa sariling bibig nito.
Sa ikalawang pagkakataon ay binuksan nito ang cigarette case at may kinuha roon. Inihagis ni Aera sa gawi niya ang sachet na galing sa case nito.
“We found that inside his cabinet,” saad nito at itinapon sa bintana ang sigarilyo na nangalahati na.
Tiningnan ni Brent ang sachet na ipinasa sa kanya. May laman itong bilog na nga medisina sa loob. “Ano ito?”
“HTR number 1.”
“Ha?”
“It’s a new drug. Malakas ang isang iyan. Nakakabaliw. Nakakasira ng ulo. If you’ll take even half of that medicine, you’ll see things that out of the world.”
Umiling si Brent. “I still don”t get it.”
“May illegal na gawain ang kaibigan mo, Brent, at nalaman iyon ni Ruby. Bago pa mawala si Ruby ay nasabi niya na sa amin ang natuklasan niya, at ito ang mga illegal na transaction ng kaibigan mo. Kinausap namin si Michael tungkol doon dahil ayaw naming masangkot ang pangalan namin kapag ipinagpatuloy niya pa ang ginagawa niya—”
“Get out, Aera, bago ko pa makalimutan na isa ka sa amo ko.”
“What did you just say?”
“You heard what I said, Aera. Kilala ko si Michael, kaya huwag n’yo na ulit gagawin ang siraan siya sa harapan ko dahil kahit amo ko kayo, hindi ako magdadalawang-isip na sagutin kayo.”
“How dare yo—!”
Ang sasabihin nito sa kanya ay hindi natuloy nang bumukas ang pinto at iluwa noon si Mang Jun at ang pamangkin nito. Si Aera ay napatingin din sa mga bagong dating bago nandiditing tumingin sa gawi ng mga ito.
“Disgusting!” saad pa nito bago padabog na nagmartsa palabas ng opisina niya.
“Upo ho muna kayo, Mang Jun,” saad niya at kumuha ng isang bote ng mineral water at inilagay sa loob ang hawak niyang sachet ng drugs at tinunaw. Nagtira siya ng isa para maipakita iyon sa kapatid na pulis.
Nang matunaw ang drugs ay saka niya ibinuhos ang tubig sa halaman na nasa loob lang ng opisina niya. Pahagis niyang itinapon sa trash bin ang plastic bottle. Subalit hindi pa man iyon lubusang naso-shoot sa loob ng basurahan ay tinangay na iyon ng malakas na hangin papunta sa labas ng bintana kung saan itinapon ni Aera ang upos ng sigarilyo nito kanina!
“Jesus Christ!” bulalas niya dahil sa nangyari. “How it was possible?”
Gusto man niyang bigyan ng kasagutan ang nangyari sa plastik na botelya ay mas minabuti niya na lang na harapin and dalawang trabahante.
“You can start now, Mike.” Nilingon niya si Mang Jun. “At dahil ang pinalitan mo ay si Hupert, ay doon ka sa nililinisan niya noon nakatoka. Ayos lang ba sa iyo?”
“Saan ho ba iyon?”
Ito na naman ang boses ng lalaki na nanonoot sa mga buto niya. Hindi niya talaga mabigyan ng paliwanag ang nangyayari sa kaniya kapag kausap ito. Samantalang kanina niya lang naman ito nakita.
“Sa loob at labas ng opisina ng dating CEO ng kompanya na ito. Maglilinis ka lang doon. Panatikihin mo lang na malinis ang opisina niya. Don’t worry, wala na namang mga mahahalagang gamit doon kaya anytime ay puwede kang pumasok.” Inabot nita rito ang susi na pinakaiingatan niya. “And, don’t give that key to anyone, okay? Ikaw lang ang puwedeng pumasok sa loob, at wala nang iba.”
“Yes, Sir...”
“Oh, siya. Magsimula na kayo.” Tumayo ang dalawa pero agad niyang pinigilan si Mang Jun. “Ah nga pala, Mang Jun.”
Lumingon naman ito sa gawi niya. “Bakit, Sir Brent?”
“Baka ilipat kita para magbantay sa opisina ni Michael. Bukas ka na magsimula.”
“Sir? Ah, sige, Sir Brent. Walang problema. Tuloy na ho kami. Ako na lang ang bahalang magturo dito sa pamangkin ko kung saan ang opisina ni—”
Halos mapadapa pa silang dalawa ng sekyu dahil sa malakas na pagsabog mula sa labas ng bintana. At sa sobrang lakas ng naturang biglaang pagsabog, maging ang salamin sa kinaroroonan nila ay nabasag pa...
Si Michael ay nanatiling nakatayo. Alam niya na ang nangyari. Kinapa niya ang mukha na natalsikan ng bubog bago palihim na napangiti, dahil sa oras na ito, may nagbayad na naman ng kasalanan na ginawa nito one month ago.