CHAPTER 13: FACELESS MAN AND FEARS

1654 Words
Napamaang si Brent sa tanong na iyon ng kapatid. Naging malikot ang mga mata niya na para bang sa ganoong paraan ay hindi mababasa ng kapatid niya ang nilalaman ng isipan niya. Brent cleared his throat. “I—” He paused. Kailangan niyang pag-isipan ang susunod na sasabihin para hindi siya paghinalaan ng kapatid. Magaling na pulis ito, at may kakayahan pa kaya naman kapag tinangka niyang magsinungaling dito ay malamang na mahuhuli siya. “I don’t know what you’re talking about, Jia,” pagkakaila niya sabay dampot sa tasa ng kape ng wala nang laman. Tatalikuran niya na sana ang kapatid, subalit nagsalita ulit ito. “After that night, you’ve changed a lot, Brent. I don’t know.” Nagkibit ng mga balikat niya ang kapatid. “You’re being weird. Minsan, nahuhuli kitang nagsasalita pero wala namang kausap. At may mga pagkakataon sa madaling-araw na nakikita sa labas habang nakatingala, at nagsasalita.” Nagsalubong ang kilay niya dahil sa turan ng kapatid. Hindi niya alam ang sinasabi nito. Nagsasalita nang walang kausap? Hindi pa naman yata siya nababaliw para gawin ang bagay na iyon. At ano ang gagawin niya sa labas sa tuwing madaling-araw? Walang dahilan para lumabas siya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Jia.” Tumango ang kapatid niya. “Or maybe I’m exaggerating things. Don’t mind me.” Naghikab ito at tumayo. Lumapit pa ito sa kanya at tinapik siya sa balikat. “Matutulog na ako. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko.” Hinalikan pa siya nito sa pisngi bago ito dumiretso papunta sa taas ng bahay kung saan naroon ang tig-iisang kwarto nilang dalawa. Hindi niya naiwasan na hindi sundan ang kapatid ng tingin. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip tungkol sa sinabi nito. Hindi ito maaaring magsinungaling tungkol sa napapansin sa kanya. Hindi rin palabiro ang kapatid niya para biruin siya nang ganoon. Pero ... Hindi niya talaga alam ang sinasabi nito. Had he lost his sanity? Napapikit si Brent. May kaugnayan ba ang nangyari noong gabing iyon? Ipinilig niya ang ulo. Gusto niyang maalala nang tuluyan ang nangyari noong gabing natagpuan siya ng kapatid sa labas ng bahay nila nang walang malay. Marahil kapag maalala niya iyon, magkakaroon na ng kasagutan ang tanong sa isip niya. Nang makahuma sa naging usapan nila ng kapatid ay saka pa lang siya nagpunta sa kusina at nagluto. Habang nakasalang ang ulam at kanin ay naligo siya. Hindi siya puwedeng mahuli sa pagpasok ngayon lalo pa at kailangan niyang asikasuhin ang pamangkin ni Mang Jun dahil ito ang unang araw nitong papasok bilang janitor. Kailangan niya ring pumasok nang maaga dahil ngayong wala na si Michael ay delikado na mawala sa kanya ang trabaho niya. Hindi pa siya puwedeng matanggal sa trabaho. Hindi pa ngayon. Kailangan niya pang malaman ang totoong nangyari. Ang totoo niyan ay gusto niyang mapalapit sa may-edad nang security guard. Hindi niya alam kung saan siya nagkaroon ng ideya na may alam ito sa nangyari sa kaibigan nila. Matapos maligo at makapagbihis ay kumain siya. Hindi na siya nag-abala na gisingin ang kapatid para kumain dahil mas gugustuhin pa nito ang matulog kaysa kumain. Para hindi maipit sa matinding traffic ay umalis siya kaagad sa bahay gamit ang motor niya. Nang makarating si Brent sa tapat ng kompanya na pinagtatrabahuan niya ay natigilan siya. Nagsalubong ang kilay niya, at bumilis ang t***k ng puso niya habang nakatingin siya sa lalaking nakatalikod sa gawi niya. Katabi ito ni Mang Jun na nasa gawi ng gate naman nakaharap. Dahil sa galaw ng labi ng may-edad nang sekyu, ay malamang na nag-uusap ang dalawa. Hindi siya napansin ng matanda lalo pa at nakasuot siya ng helmet. Pinaandar niya ang sasakyan. Umabante siya at sa dalawa mismo tumigil. Sa dami ng naghihintay na mga trabahante ay sa katabi ni Mang Jun natuon ang atensiyon niya. May kakaiba rito. Mainit ang pakiramdam niya na para bang nasa mismong siga siya at sinisilaban. And the man smells awful. Naaamoy niya rito ang tila nabubulok na karne. Natuon ang atensiyon sa kanya ni Mang Jun. Tinanggal niya ang helmet kaya doon lang siya nakilala ng matanda. “Oh, Sir Brent, magandang umaga,” bati ng matanda na katulad ng nakasanayan ay may mainit nang ngiti sa mga labi. Ngumiti siya sa matanda kahit pilit. Sandali niya lang itong tiningnan dahil tila may magnet ang lalaking katabi nito para dito mapagkit ang atensiyon niya. Hindi man lang kasi ito nag-abala na tingnan siya kahit pa binati na siya ng matanda.  Humarap ka, sabi niya sa isipan niya. Hinintay niya ang paglingon nito na para bang isang taon ang ginugol. At nang kumilos ang ulo ng lalaki at unti-unting tumingin sa kanya ay ilang beses pa siyang napakurap. Haaaa! Ano ang ibig sabihin nito?! Bakit ganito? Bakit hindi ko makita ang mukha niya?! Bakit wala siyang mukha?!! Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya makita ang mukha ng lalaki. Napatingin siya kay Mang Jun. Nakikita niya nang maayos ang mukha ng matanda. Maging ang wrinkles nito sa gilid ng mata kapag ngumingiti. Pero kapag ang lalaking nakatunghay na rin sa kanya ang tinitingnan niya ay wala siyang makita rito. Hindi niya masasabing malabo dahil maa tamang sabihin na wala itong mukha. Ilang ulit siyang napalunok dahil sa kababalaghan na nangyayari sa harapan niya. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganito ang nakikita niya ngayon. Hindi naman siya nagugutom. Hindi rin siya baliw. Pero bakit ganito? “Ah, Sir Brent?” Natauhan siya at tila hinugot sa pinakamalalim na balon nang tawagin siya ni Mang Jun at kalabitin pa. “A-ahh.” Halos hindi niya na iyon mabigkas kaya naman tumikhim siya. Brent composed his self. Kailangan niyang umakto nang normal kung ayaw niyang matawag na wirdo sa harapan ng mga tao kahit pa nga may nakikita siyang hindi nakikita ng mga taong nasa paligid niya. “N-nasaan po ba a-ang sinasabi ninyong pamangkin?” Itinuro ni Mang Jun ang katabi nitong hindi niya makita ang mukha. “Siya ho iyong sinasabi ko. Siya ang pamangkin ko. Si—” “Mike ho, Sir Brent...” The man extended his hand towards him, kaya dahil sa pagkabigla ay inabot niya iyon— At agad nabitawan. Kung mahilig lang siyang magmura, marahil ay nakapagmura na siya dahil sa pagtulay ng napakainit na pakiramdam sa kamay niya nang magtagpo ang kamay nilang dalawa ng pamangkin ni Mang Jun. Tiningnan niya ang kamay niya at nakita niya pang umuusok iyon na para bang isang yelo na idinikit sa bakal na tinubod sa apoy. Nang tingnan niya si Mang Jun ay nagtataka pa itong nakatingin sa mukha niya. At sa reaksiyon nito, masasabi niyang wala itong nakikita sa nangyayari sa kamay niya. Naging palaisipan sa kanya ang nangyayari sa kanya ngayon. Pero hindi dapat siya magpatalo sa mga kababalaghan na nagaganap ngayon. May trabaho siyang kailangan na ingatan lalo pa at wala na si Michael na siyang nagpasok sa kanya sa trabahong ito. Napalunok siya nang ilang ulit bago nagsalita. “Nasaan ang résumé mo?” tanong niya sa lalaking hindi niya man lang makita ang mukha. Nagbabakasakali siya na makita niya ang picture nito sa résumé. Pinanood niya lang ang lalaki na tanggalin ang bag sa likuran nito. Bawat galaw ng lalaki ay sinusundan niya hanggang sa kunin nito ang résumé sa bag at iabot sa kanya. Hindi niya muna tiningnan ang résumé na ibinigay sa kanya. Sa office niya na lang ito aasikasuhin. Ayaw niyang ma-disappoint dahil baka wala na naman siyang makita sa picture nito. “Puwede ka nang mag-start ngayon. Bago mag-alas otso ay magpasama ka kay Mang Jun papunta sa opisina ko. Sasabihin ko sa iyo kung ano ang gagawin mo.” “Hindi n’yo man lang ho ba titingnan ang documents na ipinasa ko?” Napapikit si Brent. Pamilyar sa kanya ang boses pero hindi niya maalala kung saan niya iyon narinig. Kay Michael? Hindi. Pero hawig. Hindi niya maipaliwanag ang lalim at lamig ng boses nito na para bang galing pa sa ilalim ng hukay. “Sa opisina ko na lang ito titingnan. Dahil recommended ka ni Mang Jun, I consider you as a good worker lalo pa at kilala ko si Mang Jun. Basta, mamayang bago mag-alas otso ay umakyat kayo sa opisina ko. I will tell you the details there.” Matapos niyang sabihin iyon ay saka niya iniwan ang dalawa. Hindi niya matiis na kaharap ang lalaking walang mukha. Hindi siya kinikilabutan. Sadyang may kakaiba lang talaga siyang pakiramdam sa lalaki. ——— “MUKHANG nakilala ka ni Sir Brent, hijo...” mahinang saad ni Mang Jun kay Michael. Hindi agad siya nakasagot dahil nakatingin pa rin siya sa lugar kung saan nawala ang kaibigan. Ang totoo ay nagtataka siya sa reaksiyon nito sa kanya. Para itong nakakita ng multo sa paraan ng pagtingin ng kaibigan sa mukha niya. “What is happening, D?” tanong niya sa nilalang ng daffodil, but this time, sa isipan niya lang itinanong iyon. Pero wala na naman siyang makuhang sagot, katulad kung paano ito nanahimik kahapon nang nasa labas siya ng bahay ng magkapatid. Dahil walang makuhang sagot ay tumingin siya sa kamay niya. Ang kamay niyang napaso nang magdaiti ang kamay nilang dalawa ng kaibigan. Ano ang nangyayari? Bakit ganito ang pakiramdam ko sa iyo, Brent? May kakaiba sa kaibigan niya. Naiilang siya rito, natatakot. Hindi ito ang pakiramdam noong nakita niya si Freddie. Kakaiba ang naranasan niya ngayon lang. It waa the weirdest feeling he ever felt. Wala ka namang kasalanan sa akin, Brent, hindi ba? Sana wala, dahil hindi ko kaya ang saktan ka. Higit pa sa kaibigan ang turing ko sa iyo. Itinuring kitang kapatid, at kapamilya. Nalungkot siya sa isipin na trinaydor siya nito dahil sa pera. Pero hindi. Alam niyang hindi iyon magagawa ng kaibigan niya. Hindi siya nito ibebenta. The bond between the two of them are more stronger that the Wall of China. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD