Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ni Jia kahit pa nga nakalabas na siya ng opisina ni Rik Sandoval. Sa mahigit isang buwan niyang nakakasama ang lalaki, masasabi niyang malaki ang pagkakatulad ng ugali nito kay Michael. At ang higit sa hinahangaan niya sa lalaki, ay hindi ito mayabang katulad ni Michael. Ang ugaling iyon ang dahilan kung bakit siya nahulog kay Michael noon. At ang ugaling iyan din ang dahilan kung bakit ka mahuhulog sa isang Rik Sandoval, hindi ba, Jia? Natawa siya sa sariling naisip. “Crazy me,” komento niya sa sarili dahil nasa isip. Nang tuluyan na siyang makalabas sa kompanya ay malalaki ang hakbang niya papunta sa parking lot kung nasaan ang big bike niya na ibinigay sa kaniya ni Brent bilang regalo nito sa kaniya. Nang makarating sa parking lot ay inihagis

