Halos hindi na tantanan ni Michael ang pindutin ng elevator para lang makababa agad siya. Nag-aalala siya— Nag-aalala siya kay Jia at kay D. “Putangina!” Hindi niya na naiwasan ang magmura lalo pa at wala siyang ideya sa nangyayari sa paligid niya. “Ano ba talaga ang nangyayari?! Why this s**t is taking so long?!!” Nanggigil niyang sinipa ang pinto ng elevator dahil pakiramdam niya ay sampung taon na siyang nasa loob niyon. Nasabunutan niya pa ang buhok dahil sa sobrang galit. Nang sa wakas ay bumukas ang elevator ay agad siyang tumakbo palabas. Hindi niya nagawang pansinin ang mga empleyado na nakangiti at bumati sa kaniya. Ang tanging laman ng isipan niya ay ang dalawang taong sa tingin niya ay nasa panganib. Nasaan ka na ba, Brent?! Habang tumatakbo ay nagawa niya pang tawagan a

