Nang malaman ni Brent ang nangyari sa kapatid niya ay agad siyang umuwi. Sinagasa niya ang kasagsagan ng gabi at traffic para lang makita ito nang personal. Nag-out of town siya para kausapin ang possible alliance, at sa kabutihang palad ay naging maayos naman ang kinahinatnan ng lakad. But he wasn’t expecting a call from Michael saying about what happened to his sister. Nakailang miscalls ito sa kaniya kanina, pero dahil naka-silent ang cell phone niya dahil may ka-meeting siya ay hindi niya napansin na tumatawag ang kaibigan. At dahil dating kakilala ang ka-meet ay ginabi sila lalo pa at may hindi sila magandang unawaan sa una. They separated their way in a peaceful, and healthy way. Nang makapasok nga sa hotel room ay saka niya lang natingnan ang cell phone niya na may notification

