CHAPTER 1 -FIRST MEETING

226 Words
Chapter 1 – First Meeting  “Alona, this is my dad, si Kenj,” pakilala ni Arvin habang inaakay ako papasok sa bahay nila. Ngumiti si Kenj—may awtoridad pero may lambing ang boses. “Nice to meet you,” sabi niya habang inaabot ang kamay ko. Mainit ang palad niya, matatag, at parang may kuryenteng dumaloy sa pagkakahawak namin. Ngumiti ako, pilit pinapakalma ang t***k ng puso ko. “Nice to meet you too, po.” Maganda ang bahay nila—malinis, simple, pero may halimuyak ng amoy-kape at kahoy. Habang kumakain kami ng tanghalian, ilang beses kong naramdaman ang mga mata ni Kenj na parang tahimik na nagmamasid. Hindi bastos, pero ramdam kong may kakaibang presensyang humahaplos sa akin. “Masarap ka palang magluto, Alona,” sabi niya matapos kong tulungan si Arvin maghain. Napangiti ako. “Thank you po. Gusto ko pong tumulong kahit konti.” Tumango siya, at sandaling nagtagpo ang mga mata namin. Saglit lang, pero parang huminto ang oras. Pag-uwi ko, paulit-ulit kong naaalala ang ngiting iyon—simple, pero may lalim na parang nangungusap. Hindi ko alam kung bakit, pero may bahagi sa akin na gusto pa siyang makita. Bawal. Tatay siya ng boyfriend ko. Pero sa bawat pintig ng puso ko, tila may boses na bulong ng bulong— “Bakit parang ikaw ang hinahanap ko?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD