Chapter 2 – The Growing Spark
Mula nang araw na iyon, mas madalas akong dumadalaw sa bahay nina Arvin.
Lagi siyang abala sa trabaho, kaya madalas ako ang naiwan sa sala—at doon ko mas nakikilala si Kenj. Tahimik siyang tao. Laging may mahinang ngiti at kalmadong presensyang nakakagaan ng loob.
Isang hapon, nadatnan ko siyang nag-aayos ng mga halaman. “Maganda ‘yan,” sabi ko habang pinagmamasdan siyang pawisan, naka-t-shirt lang at may hawak na hose.
Ngumiti siya, “Lahat ng bagay gumaganda kapag inaalagaan.”
Napangiti rin ako, pero may kakaibang init sa dibdib ko. Ang simpleng linya niya, parang may ibang kahulugan.
Nang mapansin niyang nakatitig ako, sandali siyang natahimik. “Gusto mo ng juice? Mainit ngayon,” alok niya.
“Sure po,” sagot ko, halos pabulong.
Sa kusina, abala siya sa paglalagay ng yelo sa baso. Tahimik lang kami, pero ramdam kong pareho kaming may iniwasang titig.
“Thank you,” sabi ko.
“Welcome,” mahina niyang tugon, pero ang ngiting iyon—mabagal, sinsero—tumama sa puso ko.
Pag-uwi ko, hindi si Arvin ang nasa isip ko kundi siya.
Pilit kong iniiwasan, pero habang lumalalim ang gabi, mukha ni Kenj ang paulit-ulit kong nakikita.
At doon ko na-realize…
Hindi ko na siya basta lang nakikita bilang “tatay ng boyfriend ko.”
Nakikita ko na siya bilang isang lalaking gusto kong makilala pa—kahit alam kong mali.