MATAPOS ang nangyari ay kapansin-pansin ang pagiging balisa sa sarili ni Eden, bagay na hindi naiwasang mapuna ng bunso nitong anak na si Ellie. Ngunit sa halip na komprontahin ang ina ay pinili na lamang ni Ellie na usisain ang nakatatandang kapatid na si Earl. Doo'y pasimple niyang siniko ang kapatid na ngayo'y abala sa pagkukumpuni ng upuan. "Uy, kuya, may napapansin ka ba kay mama?" Taka naman itong lumingon sa kaniya. "Wala naman, pero bakit mo naman natanong?" She sighed sharply. "Ahm, para kasing kanina pa siya balisa, e. Sa tingin mo ba, may dinadalang problema si mama? O, 'di kaya.. baka humahanap lang siya ng tsempo para kibuin ka?" Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Earl at pagkatapos ay ang dahan-dahang pag-iling nito. "Sa tingin ko, ikaw ang may problema, e

