ASIDE FROM a happy gathering, a night they spent together have become more memorable, dahil na rin sa mas pinasaya nilang k'wentuhan sa isa't isa. Nang mga oras na 'yon ay mahimbing na rin na natutulog si Evan kung kaya'y medyo hininaan nila ang boses mula sa may salas. Subalit lahat sila ay natahimik nang mapansin nila ang biglang pagkabalisa ni Earl. "Kuya, may problema ba?" tanong ni Ellie rito. Nakatitig lamang si Earl sa phone nang magsalita ito, "Si Dianne, e, galit na galit.." Ipinakita pa nito ang ilang missed call ni Dianne na sinadya nitong hindi sagutin habang ang iba nama'y hindi talaga nito napansin dahil nga sa masayang kaganapan. "Mukhang may gustong i-explain, hah?" ang sabi ni Ronnie na bahagyang ikinatango ni Earl. "Pero ikaw ba, kuya? Willing ka bang pakinggan ang

