"IBIG SABIHIN ay matagal ka na pala niyang niloloko? E, pambihira naman! Kaya pala noong una pa lang ay wala na akong tiwala sa babae na 'yan, simula nang may magsabi sa akin na nakilala mo lang siya sa isang bar, " iiling-iling na sabi ni Eden matapos ik'wento ni Earl ang buong katotohanan. "Iyon ba ang dahilan kung bakit nakatanggap siya nang masasakit na salita sa'yo noon, ma?" singit naman ni Ellie na bahagya nitong ikinatahimik. "Oo! Hindi ko itatanggi 'yon, anak, e, over protective lang naman ako sa kuya mo, e. Isa pa ay ayokong dumating ang araw na pagsisihan niya ang kaniyang desisyon sa buhay. Kita mo ngayon, hindi nga ako nagkamali!" Halatang-halata ang galit sa mga binitiwang salita ng kanilang ina pero dahil ayaw niya naman itong highblood-in ay siya na ang gumawa ng paraan

