IT'S BEEN a long day for Ellie and she has put in a rush after a meeting, dahil mahigit dalawang oras na lamang ang nalalabi bago ang oras ng kaniyang klase. Kaya naman imbes na mag-bus ay naisip niya na lamang na sumakay ng tren kahit na medyo mapapamahal siya sa pamasahe para na rin mas mapabilis ang kaniyang biyahe at mahabol ang klase. Kaya naman mula Recto Station ay bumiyahe siya hanggang sa may Katipunan station. Pagkatapos ay bumaba roon at saka sumakay ng jeep patungo sa San Juan, at pagkarating sa San Juan ay saka siya muling sasakay ng jeep patungo sa Lucena. Bale imbes na halos apat na oras ang kaniyang biyahe ay mahigit dalawang oras na lamang kung kaya't may natitirang ilang minuto pa siya para makapasok sa school. In fact, ramdam na niya ang pagod sa biyahe lalo na't sady

