"NAKU, Eden! Kahapon pa kita gustong makausap!" Pagsalubong ng kapitbahay nila Ellie na si Aleng Fedela. "E, bakit hindi mo ako pinuntahan dito sa bahay? Nandito lang naman ako maghapon." "Iyon nga, e! Medyo natagalan kasi 'yung k'wentuhan namin no'ng bagong lipat dito sa barangay natin. Mukhang may kaya! Naku, e, naghahanap sila ng maglalabada sa mga labahin. E, medyo natambak na rin kaya handa silang magbayad nang medyo malaki." Hindi maiwasang magliwanag ng mukha ni Eden sa narinig. Kung kailan kailangan na kailangan niya rin kumita para kahit papaano'y makatulong sa ilang gastusin ay heto ngayon at mukhang tinugon na rin ang kaniyang panalangin. "Ganoon ba? Edi, ibig sabihin ba nito, nirekomenda mo ako?" "Ay oo naman! Ikaw pa ba? Saka, ikaw lang 'yung pinagkakatiwalaan ko pagdat

