AT DAHIL medyo mahaba pa ang araw para sa panliligaw ay hindi na talaga pinalampas ni Ronnie ang ibinigay niyang chance rito. Kaya pagkahatid na pagkahatid lamang nito sa kanilang bahay ay ipinaalam na agad nito sa mga fans na for real na talaga ang panliligaw nito sa kaniya. Pero siyempre, kahit na may approval na siya rito ay kailangan pa rin nila hingin ang approval ng kaniyang ina. "Sigurado ka ba talaga sa panliligaw mo sa anak ko, Ronnie? Kasi uunahan na kita, hah? Ayokong dumating sa point na paiiyakin mo ang anak ko," wika ng kaniyang ina na si Aleng Eden. "Ma, 'wag n'yo naman pong itulad si Ronnie sa ginawa sa'yo ni papa," kalmadong aniya at doo'y hindi naiwasang magtagpo ang mga mata nila ng binata. Saka naman bumwelo ng mga kataga si Ronnie, "E, tita, hindi naman sa pag-aan

