WHETHER she like it or not, ay kinakailangan niyang magdesisyon para sa ikabubuti. Sa pagsisimula ng araw kinabukasan ay maaga silang lumuwas ng Manila ni Ronnie, at dahil nga nakatakda silang magtungo sa bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid sa Mandaluyong ay doon na muna ito nagpalipas ng gabi sa kanila, kung saan ay sa may sofa ito nahiga. Bale alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay nag-almusal na silang dalawa kaya naman ramdam nila ang katahimikan sa paligid. Sa katunayan ay hindi pa alam ng kaniyang ina ang pinaplano nilang pagluwas ng Manila ni Ronnie upang makumbinse ang kaniyang kuya na roon na muna ito tumira sa bahay nila sa Quezon Province at para na rin muli nitong makasama ang apo. Ang tanging alam lang nito ay kailangan nilang gumawa ulit ng bagong content para sa ka

