SO FAR, ay tagumpay naman ang first tv guesting nila Ellie. Pinagpasalamatan nila nang sobra ang buong production staff, especially ang host na si Jestoni Felipe at ang director ng talk show na iyon. In fact, thankful din siya dahil hindi natuloy um-attend si Lanie Fernandez na mortal niyang kaaway sa mundo ng showbiz, 'cause if not, baka simula pa lang ng interview ay kumulo na ang dugo niya sa hindi magandang behavior nito pagdating sa kaniya But she believe, na kahit naroon naman si Lanie ay kayang-kaya niyang kontrolin ang kaniyang emosyon, 'wag lang talaga nitong sasagarin ang kaniyang pasensya dahil hindi talaga siya magpapatalo. Ngayon pa na may napapatunayan na siya para sa sarili. Sa kasalukuyan ay inaayos niya ang kaniyang mga gamit dahil nagmamadali siyang umuwi upang mahabo

