"So totoo nga ang sinabi mo kaninang naghalikan kayo ng amo mo?" Hindi maiwasang hindi maging komportable ni Eden sa katanungan ng anak na si Earl. Pakiramdam nito'y iyon ang katotohanang walang ibang dapat na makaalam. Sinubukan nitong hinaan ang tinig bagama't mas malakas pa rin iyon sa paghihiwa nito ng mga sangkap para sa lulutuing tinola. "Oo, anak. At ang hindi ko maintindihan ay kung bakit naiisip ko 'yon-- alam ko namang mali 'to at hindi dapat dahil may sari-sarili na kaming pamilya. Ang pinagkaiba lang, kasal siya sa asawa niya habang ako ay hindi kaya ayos lang sa akin na iwan ng papa n'yo nang sumama ito sa ibang babae." Earl sighed. At doon lang niya naunawaan ang pagbabagong napuna sa ina nitong nakaraang araw. Batid niya na gulung-gulo ang isipan nito ngayon at hindi nama

