Chapter 25- Tears Of Joy

1653 Words

SA PAGDATING nina Ellie at Ronnie sa Makati ay hindi inakala ng dalaga na sa isang building sila hihinto, kung saan ay may tatlong palapag. Pasado alas nuwebe na rin ng umaga at inaalala ni Ellie na may pasok pa si Ronnie sa school. Kaya naman tila hinahabol nila ang oras pagkarating na pagkarating nila roon. At dahil first time niyang makakatuntong sa apartment ni Ronnie, ayon sa kaniyang expectation ay wala siyang kamalay-malay sa nangyayari. Aaminin din ni Ellie na nakakapanibago ang buhay sa Maynila pero naniniwala siyang kalaunan ay masasanay din siya sa lahat. Ipinarke na nga ni Ronnie ang kulay gray nitong Yamaha Aerox at maingat sila roong bumaba. Pagkatapos ay isa-isa na nilang ibinaba ang kaniyang mga gamit. Sumunod naman siya sa paglalakad ni Ronnie hanggang sa i-welcome sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD