"ANO? Ang ibig sabihin ay nagkita ulit kayo ng childhood crush mo na nagsilbing one great love mo noon na siyang amo mo ngayon?" magkakasunod na katatanungan niya. At sa pagpapatuloy ng kanilang usapan ay nabuksan na nga ang mga kasagutan sa katanungan niya. "Oo, anak. Pero 'di porque na hindi naging kami ay hindi ko na maituturing na one great love ko siya, hah? Anak, ayoko lang aminin sa kaniya pero ilang taon din akong umasa na magkikita kaming muli." "Pero may sarili na siyang pamilya, 'di ba? At hindi mo gugustuhin na maging kabit, ma." "Ano ka ba naman, anak, bakit ganiyan agad ang nasa isip mo? Siyempre naman, hindi ko gugustuhin na makasira ng isang pamilya at saka nakaraan na 'yon, e. Iba ang ngayon, at kaya sinasabi ko lang 'to sa'yo ay dahil ayokong maglihim. Pero, anak, ang

